• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Convenience store sa Valenzuela ipinasara sa pagsuway sa No QR Code No Entry policy

IPINASARA ng City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) ng Valenzuela ang isang convenience store dahil sa hindi pagsunod sa No QR Code No Entry kaugnay ng paggamit contract tracing application ng lungsod.

 

Kinandaduhan ng mga kawani ng CBIAT ang Alfamart sa La Mesa, Ugong dahil sa hindi pagsunod sa itinakdang paggamit ng ValTrace app.

 

“Ayaw po sana ng City Hall umabot pa sa ganito. Pero sapat sapat na panahon na ang binigay para ang mga commercial establishments natin ay sumunod sa minimum health standards pati na din sa pag implement ng Valtrace. After numerous complaints from clients we decided to shut down this Alfamart branch in Ugong”, pahayag ni Mayor Rex Gatchalian sa kanyang facebook account.

 

Nakasaad sa Valenzuela sa City Ordinance No. 783, Series of 2020 na lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

 

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty na Php 1,000.00 sa unang paglabag, Php 3,000.00 para sa ikalawa, at Php 5,000.00 para sa ikatlo o pagkakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw depende sa korte.

 

Ang mga establisyementong hindi susunod ay pagmumultahin ng Php 5,000.00 at suspensyon ng prangkisa o business permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa first offense, Php 10,000.00, 24 hours of community service, at suspensyon ng prangkisa o busi- ness permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa second offense, at Php 15,000.00 at kasnselasyon ng prangkisa o business permit sa ikatlong pagsuway.

 

Samantala, tumanggap ng bisikleta at cell phone na may load mula sa Department of Labor and Employment sa pakkipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) Valenzuela ang 44 mga Valenzuelano beneficiaries mula informal work sector bilang bahagi ng #Freebis Bisekletang Panghanapbuhay program para sa mga kwalipikadong indibidwal upang matulungan silang makapagsimula ng kanilang sariling delivery business. (Richard Mesa)

Other News
  • ARJO, kumpirmadong special guest sa sitcom nina MAINE na ‘Daddy’s Gurl’

    KUMPIRMADO na si Arjo Atayde ang special guest sa birthday episode ni Maine Mendoza sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl na ipalalabas sa March 6 sa GMA-7.     In-announce nga ito sa interview ni Nelson Canlas noong Huwebes (Feb. 25) sa ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras.     Happy […]

  • Ateneo paghahandaan ang NU

    WALANG makatibag sa defending champion Ate­neo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.     Maging ang mortal ni­lang karibal na La Salle ay walang naisagot sa ma­­la­kas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang pag­ha­harap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.     Inilampaso ng Ateneo ang La […]

  • Hino-host na ’Tadhana’, pitong taon na: ‘Balota’ ni MARIAN, magpi-premiere sa Hawaii International Film Festival

    SA ika-7 anibersaryo nito, ang award-winning na drama anthology ng GMA Public Affairs, ang ‘Tadhana’, na hino-host ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagdadala ng panghabambuhay na matututunan sa mga manonood sa pamamagitan ng isang espesyal na tatlong bahaging episode na ipalalabas simula ngayong hapon, Oktubre 5.   Ang espesyal […]