• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CONVERSATION SA PAGTAKBO NI YORME ISKO, FAKE NEWS

ITINANGGI ng Manila Public Information Office (Manila-PIO) ang kumakalat na di-umano’y private conversation kaugnay sa pagtakbo umano sa Presidential race ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

 

 

Ayon kay Julius Leonen, Manila-PIO chief na ang palitan diumano nila ng mensahe sa isang reporter ay hindi nag-e-exist.

 

 

Sa nasabing conversation, nabanggit ang pagsabak ni Domagoso  sa pagkapangulo sa ilalim ng  1Sambayanan coalition.

 

 

Sinabi rin umano nito na panatilihing  sikreto muna ang kanyang sinabi dahil  iaanunsiyo na rin naman ito ng alkalde  sa tamang panahon.

 

 

“Hahahahaha fake. The chat does not exist”, reaksyon pa ni Leonen.

 

 

Maaalala na nagpahayag si Domagoso na tiyak na tatakbo siya sa 2022 election ngunit hindi tinukoy kung anong posisyon ang kanyang lalahukan.

 

 

Isa rin siya sa  mga ‘presidentiables’ ng 1Sambayanan, maging ng Malakanyang. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pilipinas nasa ‘low risk’ na lang ng COVID-19: DOH exec

    Ibinaba na ng Department of Health (DOH) sa “low risk” ang klasipikasyon ng Pilipinas sa hawaan ng COVID-19.     Batay kasi sa monitoring ng ahensya, bumaba sa negative 9% ang growth rate ng coronavirus cases sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.     Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) ng bansa […]

  • PAGWASAK SA MAY P7.5-B HALAGA NG IBAT-IBANG URI NG DROGA NG PDEA SINAKSIHAN NI PDU30

    AABOT sa halagang P7,510,840,985 na halaga ng iba’t ibang uri ng droga at mga sangkap nito ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Integrated Waste Management system sa may Trece Martirez sa Cavite.   Ayon kay PDEA Director General Wilkins Vilanueva ay ito ay pagsunod  sa batas at sa mahigpit na utos […]

  • Pondo para sa gov’t wage hike, ganap ng inilabas -DBM

    GANAP nang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa agarang pagpapatupad ng umento sa sahod para sa mga manggagawa sa gobyerno.     Sa katunayan, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, nagpalabas ang DBM ng kabuuang P36.450 billion sa lahat ng 308 departamento at ahensiya ng pamahalaan, ‘as of Wednesday,’ […]