CoronaVac ituturok sa mga senior na may ‘controlled comorbidities’
- Published on April 1, 2021
- by @peoplesbalita
Parehong gagamitin ng Department of Health (DOH) ang hawak na mga bakuna mula sa AstraZeneca at CoronaVac ng Sinovac sa mga senior citizens ngunit ang huli ay ilalaan para sa mga may controlled “comorbidities”.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na habang tinatapos pa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers ay maaari na ring simulan ang pagbabakuna sa mga senior citizens.
Sa datos ng DOH, pinakamababa ang tsansa na dapuan ang mga senior citizen ng virus sa 15% ngunit kung mangyari ito ay 10 beses silang maaaring lumala ang kundisyon at sumapit sa pagkamatay.
Sa mga may comorbidities, pinakamataas ang tsansa na masawi kung dadapuan ng COVID-19 ang mga may taglay na “chronic liver disease”, kasunod ang may “chronic kidney disease” at ikatlo ang may “cardiovascular disease”.
Pinakamababa ang antas na masawi ang mga may “obesity, Diabetes, Malignancy, Hypertension at chronic respiratory.” (Daris Jose)
-
Naungusan na ang movie nina Kathryn at Alden: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, hawak na ang ‘highest-grossing Filipino film of all time’
ANG 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind, na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang may hawak na ng record bilang ‘highest-grossing Filipino film of all time’ in domestic box office sales, na kumita na ng P815 million as of January 17. Ayon ito sa pinost ng Star Cinema sa […]
-
Relasyong Duterte-Sara , ‘May tampuhan pero nagmamahalan’- Sec. Roque
“May tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan ang mag-ama.” Ito ang naging paglalarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa relasyon ng mag-amang Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte matapos na hindi magustuhan ng Chief Executive ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente gayong nangunguna ito sa survey sa pagka-pangulo. […]
-
Kinaaliwan ng netizens ang viral na ‘Bangkok Transformation’: DENNIS, nag-sorry agad sa pinagawang challenge sa kanya ni JENNYLYN
SA kanyang TikTok account agad palang nag-sorry si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang video tungkol sa “Bangkok Transformation” challenge na nag-trending at nag-viral sa social media. Inamin niyang ipinagawa ito sa kanya ang asawang na si Ultimate Star Jennylyn Mercado na hindi raw niya talaga matanggihan. “Sorry guys, sabi kasi ng asawa ko gawin […]