Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang
- Published on April 1, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas.
Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang Pilipinas bilang Number 30 pagdating sa mga total cases ng covid sa buong mundo.
Ang active cases ay nasa #22 ang Pilipinas; cases per 1 million ay nasa #134 ang Pilipinas habang pang-#82 naman ang Pilipinas pagdating sa Case Fatality Rate.
“So, kung mayroon po kayong nakitang fake news na tayo raw ay Covid capital.. puwede ba ho ilagay ninyo sa noo nila itong mga ranking na nalathala po WHO,” ayon kay Sec. Roque.
Sa kabilang dako, inanunsyo ng Malakanyang ang nais nitong makamit matapos ang 7 araw na pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Mapababa ani Presidential Spokesperson Harry Roque ang bilang ng aktibong kaso dala ng covid 19 surge mula sa mahigit 9,000 ngayon.
Ipinirisinta ni Sec. Roque ang infographic ng magiging quarantine status matapos ang isang linggong ECQ.
“Iyong orange po, iyan ‘yung posibleng mangyari kung wala po tayong ginawa at ito po ay para sa Metro Manila lang. Makikita ninyo pagdating po ng April 4 halos isang milyon na kung hindi tayo gagawa ng kahit na anong hakbang. Dahil po doon sa ating NCR bubble, mahigit kumulang na mga 800,000 ang magiging kaso natin pagdating ng April 4. Kung tayo naman ay mage-MECQ pa rin mula April 5 to 18, iyan ‘yong green line. Pero, tingnan ninyo naman po ang nais nating makamit, halos kalahati pong kung hindi tayo magi-impose ng kahit na anong measures. Iyong red light iyong ating objective na sana umabot ng 550 to 600,000 ang ang mga kaso sa Metro Manila by April 4. Tapos kung ang ECQ po ay mas matagal o hanggang April 18. iyan nman iyong blue line,” ang paliwanag ni Sec. Roque.
Kaya kailangan na magbayanihan at kailangan ang kooperasyon ng lahat para pagkatapos ng pitong araw ay maayos na.
Sa kabilang dako, bumalik na sa normal ang healthcare capacity na ngayon ay nasa critical level.
“Iyan ‘yong second objective natin noh?” ani Sec. Roque.
Ang pangatlong objective naman ay mailigtas ang buhay ng marami.
Kasabay nito na ang pag-ECQ ay mapalakas pa lalo ang “prevention, detection, isolation, at treatment”.
Sa prevention ay istriktong ipatutupad ang public health standards at safety protocols na mask, hugas, iwas at bakuna.
Sa detection naman aniya ay gagawin ang pagba-bahay-bahay para matukoy ang mga aktibong kaso sa pamamagitan ng CODE Team.
Sa testing naman ay paiigtingin na sa ngayon ay nasa mahigit 50,000 kada araw.
Palalakasin din aniya ang contact tracing sa pamamagitan ng StaySafe.ph
Ang mabuting balita pa rin aniya ay plantsadong-plantsado na ang StaySafe.ph
At treatment naman ay pararamihin ang nakakaalam ng One Hospital Command Center para maiwasan aniya ang sabay-sabay na pagpasok sa malalaking ospital.
At sa darating na Abril aniya ay magbubukas na aniya ng karagdagang bed capacity kasama na aniya rito ang 110 bed capacity sa Quezon Institute na mayroon aniyang kakayahan na gumamot ng moderate at severe cases. (Daris Jose)
-
Billy, pinararating na gusto lang nilang maka-inspire at makatulong
NGAYONG nasa TV5 na si Billy Crawford ay dalawa agad ang shows niya, ang daily na Lunch Out Loud at weekend Masked Singer Pilipinas na parehong produced ng Brightlight Productions. Kaya parang wala namang nabago sa trabaho ni Billy d dahil nu’ng nasa ABS-CBN siya ay dalawa o tatlo ang programa (It’s Showtime, Pilipinas […]
-
PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections
HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections. Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections. […]
-
19-anyos na NBA prospect player na si Terrence Clark patay sa aksidente
Patay sa aksidente ang 19-anyos na si basketball player ng Kentucky University na si Terrence Clarke. Ayon sa imbestasyon nagmamaneho ng kaniyang Genesis na sasakyan dakong alas dos ng hapon sa San Fernando Valley at ito ay bumangga sa poste at pader. Si Clarke ay napipisil sa 2021 NBA Draft pick. […]