COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.
Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.
Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) matapos makapaglunsad ng COVID-19 tests sa 4.01 milyong indibidwal. Sa kabila niyan, 14 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta, Lunes.
Kalakhan sa mga sariwang bilang ay produkto ng mga sumusunod na probinsya’t rehiyon sa Pilipinas:
·National Capital Region (566)
·Cavite (174)
·Pangasinan (145)
·Northern Samar (104)
·Quezon (98)
“99 duplicates were removed from the total case count. Of these, 77 recovered cases and 2 deaths have been removed,” saad ng DOH sa isang pahayag.
“Moreover, 7 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”
Pero hindi lahat ng bilang na ‘yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o ‘di kaya’t namatay na. 48,040 na lang tuloy ang nalalabing “active cases” sa mga ‘yan.
Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 50 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 6,497 ang total local COVID- 19 casualties. (Daris Jose)
-
DOH nagpaalala sa face-to-face holiday gatherings
NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) na sa inaasahang mga face-to-face holiday gatherings, dapat na magkaroon ang bawat isa ng matalinong desisyon kung kailan magtatanggal ng face mask. Sa press conference, hinikayat din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na dapat ay may bakuna at booster shots laban sa COVID-19 para […]
-
Nagtapos na ang limited guest engagement: VINA, isa nang legit na ‘broadway actor’ dahil sa ‘Here Lies Love’
NATAPOS na nga ang limited guest engagement ni Vina Morales bilang Aurora Aquino sa hit Broadway musical na “Here Lies Love” last Sunday, October 22. Sa kanyang IG account, nagpaalam si Vina sa musical noong Lunes, October 23, nang mag-upload niya ang isang video kuha sa loob ng kanyang dressing room. […]
-
Romans 12:21
Conquer evil by love.