COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 607,048
- nagpapagaling pa: 47,769, o 7.9% ng total infections
- bagong recovery: 406, dahilan para maging 546,671 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 63, na siyang nag-aakyat sa local death toll sa 12,508
Anong bago ngayong araw?
- Ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng bagong hawa (3,749) ng COVID-19 na iniulat sa iisang araw lang sa nakaraang 174 araw. Huling beses na mas mataas ang daily infection diyan noong ika-19 ng Setyembre, 2020 kung saan nakapagtala ng 3,962.
- Dumepensa naman ang Malacañang sa pagiging numero uno ng Pilipinas pagdating sa COVID-19 deaths at bagong infections sa Western Pacific Region, lalo na’t sinabi ng pamahalaan na naging “mahusay” ito sa pag-aasikaso ng pandemya. Aniya, sadyang lumalala lang ito minsan kapag nagpapasaway ang mga tao: “‘Yung nangyayari sa past four days should not erase what we have done since the outbreak of the pandemic… Ganyan po talaga talaga ang anyo ng COVID-19 pag kaonti lang tayo ng pabaya ng minimum health standards.”
- Dagdag pa ni Roque, pinag-iisipan ng IATF-EID ang ilan sa mga rekomendasyon ng OCTA Research Group na ibaba sa 30% ang capacity ng mass gatherings sa GCQ areas, pagpapaliit ng kapasidad sa mga restawran at mall dahil sa muling pagsipa ng mga kaso — pati na liquor ban. Aniya, posibleng may mga maaprubahan dito. Sa kabila nito, patuloy naman daw sa trabaho ang DOH, DOST at economic planners para apulahin ang sitwasyon.
- Nakikiusap ngayon ang League of Provinces (LPP) kanina payagan ang COVID-19 testing ng mga biyahero sa “point of entry” ng mga probinsya — lalo na’t delikado raw ang pre-travel testing. Una nang sinabi ng IATF Resolution 101 na hindi na kailangan ng testing ng travelers maliban kung ire-require ng local government units bago bumiyahe.
- Kanina lang nang sabihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 15,874 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na tinatamaan ng COVID-19 mula sa 87 dagat. Sa bilang na ‘yan, binawian na ng buhay ang 1,041.
- Umaabot na sa 117.33 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na ‘yan, 2.6 milyon na ang patay.
-
Matindi ang mga fight scenes nila ni Paul, kaya nagkasakitan: RURU, pinangarap na maging action star kaya handa sa pwedeng mangyari
WALA raw contest na namamagitan kina Ruru Madrid at Paul Salas sa pagandahan ng katawan sa social media. Ayon sa dalawang stars ng Lolong, paraan lang daw nila para mag-relax ang mag-post ng videos nila sa Instagram at Tiktok. Iba raw kasi ang feeling kapag nasa lock-in taping kaya gusto rin daw nilang […]
-
Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa – DTI
Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin. Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya. Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital […]
-
Cambodian leader COVID-19 positive matapos i-host ASEAN Summit na dinaluhan ni Marcos Jr.
SINABI ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na nagpositibo siya sa COVID-19 ilang araw matapos niyang pangunahan ang ASEAN Summit na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. atbp. world leaders sa Phnom Penh. Ito ang ibinahagi niya sa kanyang Facebook page, Martes, matapos niyang dumating sa Indonesia para sa G20 summit. Sa kabila […]