COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 60K kada araw – OCTA
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
Muling nagpalabas ng panibagong babala ang OCTA Research Group kahapon sa pagsasabing maaaring umabot sa 60,000 ang arawang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila lamang sa pagtatapos ng Setyembre.
“Ang nakikita natin ay ‘yung active cases natin maaaring umabot ng 60,000. Baka 70,000 mataas na ‘yan,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro OCTA Research.
Sinabi rin ni Guido na hindi pa tapos ang patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso. Maaaring maganap ang ‘surge’ nito sa kalagitnaan pa ng Setyembre kung magpapatuloy ang trend ng mga naitatalang bagong kaso ngayon.
Sa kasalukuyan, nasa 1.64 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila. Upang masabing bumababa na ang hawahan, kailangang maibaba ito sa 1.0.
Nitong Agosto 22, nakapagtala ng 36,054 aktibong kaso sa Metro Manila.
Nagkaroon naman umano ng magandang pagbabago sa sitwasyon ng Metro Manila sa pagsunod sa protocols at polisiya sa loob ng dalawang linggong ECQ ngunit hindi dapat magpakampante dahil sa presensya ng Delta variant.
“Ibig sabihin, dominant na talaga siya. Siya na ang pinakaprevalent na variant sa Pilipinas ngayon,” dagdag ni David. (Daris Jose)
-
Eala umakyat ang world ranking sa WTA
Umakyat ang world ranking ni Filipina tennsi player Alex Eala. Base sa pinakahuling ranking n Women’s Tennis Association (WTA) nasa ranke 505. Inilabas ang ranking matapos ang pagkatalo nito sa second round ng WTA 250 tournament kay American tennis player Taylor Ng sa score na 6-3, 4-6, 11-9.
-
Tiyak na maraming makaka-relate sa ‘Ang Kwento ni Makoy’: BUBOY at BELLA, magpapakilig at magpapaluha sa kanilang unang pagtatambal
PALABAS na ngayon sa mga sinehan ang romcom movie na “Ang Kwento ni Makoy” na pinagbibidahan ng former child star-turned-comedian na si Buboy Villar at ka-partner niya ang promising actress na si Bella Thompson. Ang inspirational movie na magpapakilig at magpapaluha sa manonood ay tungkol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse na […]
-
Bodega ng Comelec binuksan sa publiko
BINUKASAN na sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna at ang National Printing Office (NPO) bilang tanda ng pagnanais na maging malinaw sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda sa halalan sa Mayo 9. Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD […]