• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.

 

 

Ito na ang ika-14 na araw na nag-ulat ang kagawaran ng higit 2,000 bagong kaso ng COVID-19. Katumbas din nito ang isang linggo na higit 4,000 new cases.

 

 

Ang naturang bilang ng mga bagong kaso rin ang ikalima sa pinakamataas na naitalang numero ng new cases mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.

 

 

“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 17, 2021.”

 

 

Dahil dito sumipa pa sa 66,567 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling virus.

 

 

Mula sa kanila 93.3% ang mild cases, 3.7% asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, 1.2% na severe at critical, at 0.64% moderate case.

 

 

Nadagdagan naman ng 439 ang total recoveries na ngayon ay nasa 561,530.

 

 

Samantalang 21 ang nadagdag para sa 12,887 total deaths.

 

 

“4 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 are recoveries. Moreover, 6 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Other News
  • Pacquiao nakalaro ng bilyar sina Bata at Djanggo

    Nagpahayag ng suporta ang dalawang billiard legend ng bansa na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Djanggo” Bustamante kay Senador Manny Pacquiao.     Nakaharap ng Filipino boxing champion ang dalawang billiard legend kung saan naglaro pa ang mga ito ng billiard.     Itinaas nina Reyes at Bustamante ang kamay ni Pacquiao na nagpapakita […]

  • Ads May 29, 2021

  • PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

    WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.   Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.   Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang […]