• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA

Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.

 

 

Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.

 

 

Umaasa si Dr. David na kung mangyayari ito ay magiging maganda ang pagdiriwang ng holiday sa darating na Disyembre.

 

 

Ayon pa kay David, ang positivity rate ng bansa ay nasa 8% kung saan bahagya itong mas mataas ng limang porsyento sa naitalang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

 

 

Paliwanag pa ni David na bagamat gumaganda ang COVID-19 situation sa mga probinsiya bahagya namang mataas ang positivity rate dahil sa medyo kulang aniya ang testing sa ibang mga probinsiya.

 

 

Samantala, suportado naman ng independent research group ang panawagan na ilagay ang NCR sa mas pinaluwag na alert level 2 upang makabawi ang mga negosyo naapektuhan ng mga umiiral na restriksyon.

 

 

Wala naman aniyang nakikita na banta ng mas mapanganib na variant ng COVID-19 sapagkat wala naman aniyang naiuulat na presensiya ng sinasabing Delta plus sa lineage ng Delta variant.

 

 

Kaugnay nito, mas marami na rin aniya ang bakunado laban sa COVID-19 sa Metro Manila kung kaya’t mas mababa ang tiyansa ng muling magkaroon ng outbreaks o surge ng virus.

 

 

Nauna nang inihayag ni Health spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan na ang avergae daily attack rate (ADAR) ay nasa 7 o mas mababa pa upang maibaba sa alert level 2 ang NCR. (Daris Jose)

Other News
  • COC filing larga na, libong pulis ikakalat

    KASADO na ang pag­hahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa mga lugar na pagdadausan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 national at local elections, na magsisimula, Oct 1.     Sinabi ni NCRPO Director, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na may 1,389 tauhan […]

  • Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno

    Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan.   Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]

  • Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair

    TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.     Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]