COVID-19 cases sa PNP tumataas
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.
Aminado si Eleazar na nababahala siya sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa kanilang hanay na sumampa na sa 108 ang kanilang fatalities.
Aniya, inatasan niya si PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na magsagawa ng imbentaryo sa mga gamot at iba pang mga kagamitan para sa medical needs at proteksiyon ng mga kapulisan.
Sinabi ni Eleazar na kailangan na lagi silang handa sa mga worst-case lalo pa’t mahigit na sa 100 pulis ang namamatay dahil sa COVID. Dapat din aniyang mag-ingat ang mga pulis kahit na bakunado na ang mga ito.
Pinaalalahanan niya ang mga police unit heads at mga commanders na istriktong ipatupad ang minimum public health standards sa kanilang mga respective offices at police stations para maiwasan ang transmission ng Covid.
Sa huling datos ng PNP kahapon, nasa 2,181 ang active cases habang ang nasawi ay nasa 108.
-
Nadal hindi pa tiyak kung makapaglaro sa US Open
Hindi pa matiyak ni Spanish tennis star Rafael Nadal kung maidedepensahan pa niya ang kaniyang titulo sa US Open. Kasunod ito ng anunsiyo niya na lalahok siya sa Madrid Open. Isasagawa kasi mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang US Open sa New York habang ang Madrid Open ay gagawin sa Setyembre 14. […]
-
Keanu Reeves, Donated Most Of His Matrix Salary To Leukemia Research
KEANU Reeves, continuing to prove himself as the nicest guy in Hollywood, reports say that the actor donated most of his Matrix salary to leukemia research. Reeves, who rose to prominence in the 1990s off the back of his performances in films like Bill and Ted’s Excellent Adventure, Point Break, Bram Stoker’s Dracula, and Speed, was cast […]
-
OCD, hinikayat ang publiko na pakinggan at sundin ang El Niño advisories, warnings
PINAALALAHANAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na pakinggan at sundin ang mga advisories ng awtoridad hinggil sa El Niño at magpatupad ng kinakailangang hakbang bilang paghahanda para sa epekto ng nasabing phenomenon. Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang monitoring status mula sa […]