• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 death toll worldwide nasa 4,300 na – reports

NADAGDAGAN pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

 

Sa bagong data (as of March 11), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.

 

Pinaka-marami ang iniulat mula sa Italya na nasa 168 na nagmula naman sa loob ng 24 oras.

 

Samantala, patuloy din naman ang paglobo pa ng bilang ng mga infected ng virus sa buong mundo magmula noong buwan ng Disyembre na umabot na sa 119,235.

 

Pero sa nabanggit na bilang halos kalahati na rin ang gumaling na umaabot sa 66,577.

 

Sa kabuuang bilang ng mga kaso na nagpositibo nasa 42,611 o 88 percent sa mga nahawa ay nasa mild condition, habang naitala naman sa 5,747 o 12 percent ang mga nasa seryoso o nasa critical condition.

 

Lumalabas din sa data na 6 percent ang namatay mula sa mahigit 119,000. (Daris Jose)

Other News
  • P1.5M droga, nasabat sa checkpoint sa Caloocan, drug courier timbog

    MAHIGIT P1.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isang rider na nagtangkang takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint makaraang masita dahil walang suot na helmet sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang mga tauhan ng Police Sub-Station […]

  • Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office

    TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.     Sa isang kalatas, sinabi ng  SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.     “SSS assures the public that […]

  • Cruz may 3-year deal sa SMB

    PUMIRMA  si Jericho Cruz ng tatlong taong kontrata sa San Miguel Beer matapos mapaso ang kontrata nito sa NLEX Road Warriors noong Lunes.     Mainit na tinanggap si Cruz ng pamunuan ng Beermen sa pangunguna nina team governor Robert Non at team manager Gee Abanilla.     Kasama ni Cruz sa contract signing si […]