• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 lockdown sa Shanghai, China pinalawig pa

PINALAWIG ng mga otoridad sa Shanghai, China ang ipinatupad nilang lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

 

Kung dati kasi ay mayroong hiwalay na paghihigpit sa western at eastern Shanghai.

 

 

Maituturing ngayon ang Shanghai bilang pinakamalaking lungsod sa China na naka-lockdown.

 

 

Sa ngayon ay aabot sa 13,000 na COVID-19 ang naitala sa isang araw.

 

 

Apektado ang nasa 25 milyong populasyon ng lungsod kung saan pinagbawalan ang mga ito na lumabas sa kanilang bahay.

 

 

Magugunitang gumamit na ng mga sundalo ang China para tulungan ang mga health workers na magsagawa ng COVID-19 testing.

 

 

Hindi naman nagbigay ng kasiguraduhan ang mga otoridad kung hanggang kailan ang ipapatupad nilang lockdown.

Other News
  • Kai Sotto malaki pa rin ang chance na makasama sa NBA G-League

    Tiwala ang maraming mga basketball experts na hindi pa rin naglalaho ang pangarap ni Kai Sotto na makapaglaro sa NBA-G League.     Ito ay kasunod ng nangyaring aberya ng umuwi ito sa Pilipinas para sana makapaglaro sa Gilas Pilipinas subalit hindi natuloy dahil sa kanselasyon ng FIBA Asia Qualifers ngayong buwan ng Pebrero.   […]

  • P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas

    Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South. […]

  • Pilipinas, kasama sa unang batch ng mga bansang makakabenepisyo sa vaccine donation ng Estados Unidos

    KABILANG ang Pilipinas sa first batch ng mga bansang mabibigyan ng vaccine donation ng Estados Unidos.   Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, naabisuhan na siya ng White House hinggil sa naturang inisyatibo ng amerika.   Iyon nga lamang ay hindi naman masabi ni Romualdez kung ilan mula sa 80 million doses na […]