COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.
Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.
Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.
389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.
Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20).
Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.
-
Mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa: BOOBAY at TEKLA, patuloy na nagpapalaganap ng good vibes
TALAGA namang tilian ang mga Kapuso fans at volleyball enthusiasts sa maaksyong GMA NCAA All-Star Volleyball Games hatid ng GMA Synergy na ginanap noong April 23 sa FilOil EcoOil Center, San Juan City. Nanalo ang Team Saints sa parehong Men’s at Women’s Division na kinabibilangan nina Sparkle stars Carlo San Juan, Prince Clemente, […]
-
DA, tiniyak ang 24/7 DRRM ops para sa mga disaster-affected farmers
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang 24/7 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ops para sa mga disaster-affected farmers. Layon nito na maayos na suriin ang epekto ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat at bagyong Carina sa buong sektor. “Lahat po ng concerns ay pwede pong tanggapin sa […]
-
Job 19:26
TI shall see God.