COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.
Sa isang pahayag, sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.
Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.
389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.
Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20)
Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.
-
PAGBABAKLAS NG ILEGAL CAMPAIGN MATERIALS TULOY SA PAMPUBLIKONG LUGAR
MAGPAPATULOY lamang sa pampublikong lugar ang pagbaklas ng iligal na campaign materials o ang “Oplan Baklas” ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ,ang sinuspinde lamang ng Korte Suprema ay ang pagbaklas sa mga campaign materials sa pribadong pag-aari kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO) […]
-
Kiefer pinagmulta, sinuspinde sa B.League
PINARUSAHAN si Shiga Lakestars guard Kiefer Ravena ng pamunuan ng Japan B.League matapos ang ilang beses na unsportsmanlike fouls sa huling laro ng kanilang tropa sa liga. Pinatawan ang Pinoy cager ng multa at suspensiyon dahil sa dalawang unsportsmanlike fouls na nagawa nito sa laro ng Shiga kontra sa Kyoto noong Linggo kung […]
-
SWAB TEST MUNA BAGO BUMALIK SA TRABAHO
Sumailalim muna sa swab testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas bago bumalik sa kanilang trabaho. “Experts said there is a possibility of a dramatic increase of COVID cases after the holidays. We deemed it prudent to have our employees tested for their own safety […]