• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA

BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon.

 

 

 

Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong  December 17  ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR nitong  December 24.

 

 

 

Nitong December 25, ang rehiyon  ay nakapagtala ng 255 bagong kaso ng COVID- 19.

 

 

 

Nagkaroon naman ng pagtaas ang positivity rate sa apat na lalawigan sa Luzon sa Albay, Ilocos Sur, Kalinga at  Pampanga.

 

 

 

Ayon kay  Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 23.3 percent ang  Albay ay nakapagtala ng pagtaas sa positivity rate na  35.4 percent at sa Ilocos Sur mula 30.6 percent ay naging 44.8 percent.

 

 

 

Ang Kalinga naman ay nakapagtala ng  positivity rate na  41.7 percent mula sa 26.2 percent at sa Pampanga na mula sa 12.5 percent ay naging 17 percent ang Covid-19 positivity rate. (Daris Jose)

Other News
  • Kawhi Leonard nagbaon ng game-winner kontra Hornets

    IPINAGSIGAWAN ni Kawhi Leonard ang balik mula right ankle sprain nang ibaon ang game-winner sa 119-117 win ng Clippers kontra dinayong Hornets sa Spectrum Center sa Charlotte nitong Lunes.   “I don’t think anybody loves playing this game more than me,” pakli ni Leonard, pinakawalan ang winner 1.4 seconds sa orasan at tumapos ng 16 […]

  • Disney & Pixar’s ‘Lightyear’ Unveils Out-of-this-World Trailer/Marvel Studios’ Releases ‘Thor: Love and Thunder’ Trailer & Poster

    CHECK out a new trailer below for Disney and Pixar’s Lightyear, revealing new details about the upcoming sci-fi action adventure: https://www.youtube.com/watch?v=7qdbsWu2lJY     The definitive origin story of Buzz Lightyear, the hero who inspired the toy, “Lightyear” follows the legendary Space Ranger after he’s marooned on a hostile planet 4.2 million light-years from Earth alongside his […]

  • Doon lang nag-sink in na tuloy na tuloy ang paglipad niya: JANE, mangiyak-ngiyak nang naisuot na ang costume at headdress ni ‘Darna’

    IPINAKILALA na ang Darna TV series star na si Jane de Leon bilang new brand ambassador ng Sante Barley and Daily C sa ginanap na launching sa Dusit Thani Manila sa Makati City.     At sa naganap na short media interview, ibinahagi ni Jane na napanood niya halos lahat ng Darna movies and series, […]