COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas – OCTA
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
Tumaas ng may 11 percent ang average daily new cases sa National Capital Region (NCR) o may 701 mula July 13 hanggang July 19, mas mataas sa dating daily average case na wala pang 700 kaso sa nagdaang apat na linggo.
Ayon sa OCTA Research Team na ang pagbabagong ito ay isang bagay na dapat bigyang pansin ng pamahalaan dahil nakakaalarma ito kahit na masyado pang maaga para matiyak na magpapatuloy pa ang pagtaas ng kaso sa mga darating na linggo.
Ayon sa OCTA team ang Maynila at Makati ay pawang nakapagtala ng high reproduction numbers na mula 1.1 at 1.4.
“This indicates an increasing trend in new cases in these two LGUs. Manila had a one-week growth rate of 35% while Makati had a one-week growth rate of 29%,” ayon sa OCTa group.
Ilang LGUs na may one-week growth rates ay Valenzuela, Pasay, Marikina, at Parañaque.
Ayon sa OCTA group sa labas ng NCR, ang Mariveles ang nananatiling “very high risk” sa COVID-19 habang ang Davao City, Cebu City, Bacolod, Iloilo City, Makati, Cagayan de Oro, Baguio City, General Santos, Laoag, Lapu Lapu, at Butuan ay kinokonsidera nilang “high risk”.
Ang Maynila naman at Laoag ay may matinding pagtaas ng bagong kaso sa araw-araw habang ang Cebu City, Laoag, Lapu Lapu, at Mariveles ay may sobrang taas na infection rates.
-
PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results. Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating […]
-
PNP handa sa posibilidad na extension ng ECQ
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda sila sakaling palawigin pa ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa Metro Manila. Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ipinatutupad lamang nila ang mga rekomendasyon kung ano ang iutos ng national government at health experts. Aniya, ang mga Metro Manila mayors at […]
-
Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA
PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon. Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”. […]