COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na
- Published on May 20, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.
Bumaba rin ang attack rate sa 13.44 cases per 100,000 population sa parehong petsa buhat sa dating 24.9 cases per 100,000 population.
“Ibig sabihin nito, bumabagal na ‘yong pagdagdag o paglaki ng kaso,” paliwanag ni Duque.
Sa kabila naman ng pagbababa sa ‘general community quarantine with heighted restrictions’ ng Metro Manila, lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, hinikayat pa rin ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ‘localized o granular lockdowns’ kung kinakailangan para maampat ang pagtaas ng mga kaso sa tukoy na mga lugar.
Bumaba na rin ang ‘healthcare utilization rate’ sa bansa sa 46% nitong Mayo 16 mula sa 54% noong Abril habang sa Metro Manila, bumag-sak ito sa 45% mula sa 68% noong nakaraang buwan.
-
Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant
Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant. Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga […]
-
Tropa ni LeBron niresbakan ng Heat
Sa kanilang NBA Finals rematch matapos ang apat na buwan ay niresbakan ng Miami Heat ang nagdedepensang Lakers, 96-94, tampok ang 27 points ni guard Kendrick Nunn. Tumipa si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds para sa Miami (13-17) habang humakot si center Bam Adebayo ng 16 markers at 10 boards. […]
-
Suns sinibak ang Lakers
Kumamada si Devin Booker ng 47 points sa 113-100 pagsibak ng Phoenix Suns sa nagdedepensang Lakers sa Game Six ng kanilang Western Conference first-round playoffs series. Nagdagdag si Jae Crowder ng 18 markers para itiklop ng Suns sa 4-2 ang kanilang serye ng Lakers at plantsahin ang semifinals duel nila ng Denver Nuggets. […]