COVID-19 sa Metro Manila papalo sa 8.5 milyon sa Hunyo 30
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng umabot ng hanggang 8.5 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 30 kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa mga darating na araw.
“If this trend continues, by June 30, we will achieve herd immunity. We will have infected 8.5 million people in National Capital Region (NCR),” ayon kay OCTA fellow at mathematics Prof. Guido David.
“These are actual projections. By June 30, we will reach 8.5 million total cases (in NCR) if this trend, reproduction number continue… That’s herd immunity territory. It will be here before vaccination,” aniya pa.
Nitong Sabado nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,999 bagong kaso ng COVID-19, na nahigitan pa ang 7,103 kaso noong Biyernes.
Ito na ang pinakamataas na COVID-19 cases sa bansa simula nang mag-umpisa ang pandemya.
Ayon kay Guido, dahil sa taas ng mga numero ay mahirap itong pababain kaagad.
Mayroon aniya itong momentum sa ngayon upang lalo pang tumaas, at posibleng umabot pa ng hanggang 10,000 kada araw sa katapusan ng buwan.
“If the projections are in line with what’s happening with the trends right now, then we just have two weeks before the hospitals reach critical care limit,” babala pa niya.
Una nang sinabi ni Guido na dapat na isentro muna ang pagbabakuna sa Metro Manila dahil ang rehiyon naman ang itinuturing na sentro ng pandemya.
-
PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN
INAMIN ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang “mandaraya.” “Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte. “I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you […]
-
IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan
MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses. Kaugnay nito, suportado ng Department of […]
-
186 lugar sa NCR naka-granular lockdown – PNP
Nasa 186 pang lugar sa Metro Manila ang nakasailalim sa granular lockdown. Sa datos ng Philippine National Police (PNP), bumaba na ang bilang mula sa 192 na naitala kamakalawa. Ang mga lugar na naka-lockdown ay mula sa 122 mga barangay sa Metro Manila kabilang ang 133 mga bahay, 19 residential building, […]