• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 sa Pinas higit 2 milyon na!

Sumampa na sa hi­git dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan kahapon ng bagong 14,216 kaso base sa re­sulta ng mga pagsusuri ng mga testing laboratories na ipinadala sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa Case Bulletin No. 536, umakyat na sa 2,003,955 katao ang tinamaan ng COVID-19 magmula nang maitala ang unang kaso noong Marso 2020.

 

 

Nakapagtala ng 26.4% positive rate sa 51,473 indibiduwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Agosto 30.

 

 

Nasa 18,754 pasyen­te naman ang gumaling kahapon para tumaas ang kabuuang recoveries sa 1,829,473 na katumbas ng 91.3% ng total case count.

 

 

Umabot sa 86 pasyen­te ang nasawi kaya ang death toll ay nasa 33,533 na 1.67% ng total case.

 

 

Naitala naman ang  mga aktibong kaso sa 140,949 na 7.0% ng total cases.

 

 

Sa mga aktibong kaso, 96.1% nito ay mga mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 0.6% ang kritikal, 1.2% ang severe at 1.03% ang moderate cases.

 

 

Sa buong bansa, nakapagtala ng utilization rate na 73% sa ICU beds, 66% sa isolation beds, 71% sa ward beds at 55% sa ventilators.

Other News
  • Del Carmen tigasin sa WNBL Draft Combine

    PINANGUNAHAN ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019 Finals Most Valuable Player na si Monique Allison del Carmen ang 54 pang ikalawang grupo ng mga aspirante na nagladlad ng kanilang talento  sa ikalawa’t pinaleng ng araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 nitong Linggo, Disyembre 13 sa Victoria Sports […]

  • Na-grant ang request na makipag-divorce kay KANYE WEST: Reality TV star na si KIM KARDASHIAN, officially single na

    WALA pa raw sa isipan ni Rhian Ramos ang magpakasal kahit na marami na sa kanyang mga kaibigan, in and out of showbiz, ay mga nag-asawa na at may mga sarili ng pamilya.     Sey ng bida ng Artikulo 247, na marami pa raw siyang gustong gawin at ma-achieve kaya never daw naging priority […]

  • P6.622B PONDO INIHANDA NG GOBYERNO

    TINIYAK ng pamahalaan na mayroong available funds para sa ginagawang pagtugon at relief efforts para sa mga apektado ng Super Typhoon Rolly.   “Gaya ng sinabi ni [Budget] Secretary [Wendel] Avisado kahapon, meron tayong P3.622 billion available na pondo sa NRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council),” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.   […]