COVID-19 suspect, probable cases gumaling dahil sa VCO: DOST-FNRI study
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Lumabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na epektibo bilang adjunct supplement o dagdag na sangkap sa pagkain ang virgin coconut oil (VCO) ng mga pasyenteng suspect at probable sa COVID-19.
Ayon sa DOST, kapansin-pansin ang pagbuti ng lagay ng clinical trial participants mula ikalawa hangang ika-18 araw ng paggamit nila sa VCO supplement.
“Symptoms in the VCO group significantly declined in day two and no more symptoms were observed in day 18. Compared to the controlled group that showed improvement in day 3 and no symptoms only in day 23,” ani Science Sec. Fortunato dela Pena.
Halos 60 pasyente ng Sta. Rose Community Hospital sa Laguna ang sumali sa trial na tumagal ng 28-araw. Ang kalahati sa kanila ay nakatanggap ng 0.6-mililleters o tatlong kutsara ng VCO kada araw, habang ang kalahati ay nakatanggap ng placebo.
Hindi ikinonsidera ng pag-aaral ang mga pasyenteng may history na ng komplikasyon sa puso, mataas na cholesterol, walang sintomas at mga buntis.
Ayon sa Ateneo faculty at miyembro ng research team na si Dr. Fabian Dayrit, ginamit nilang batayan sa pagiging epektibo ng VCO ang C Reactive Protein (CRP) sa dugo ng mga pasyente.
Kung bumaba raw ng 5-milligrams ang CRP sa dugo, ibig sabihin ay gumaling sa impeksyon ang pasyente.
“Ito yung marker na mas mababa doon ay evidence na wala kang inflammation at malinaw doon sa result nila na bumaba talaga ang CRP levels ng mga kumuha ng VCO. Yung mga hindi kumuha ay hindi gaanong bumaba, nag-stabilize lang sya,” ani Dr. Fabian.
-
15 probinsiya sa Luzon, nakapagtala ng very high Covid-19 positivity rate
INIULAT ng OCTA Research Group na isinailalim ngayon sa “very high” COVID-19 positivity rates ang 15 probinsiya sa Luzon. Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng probinsiya ng Albay, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales. Base sa data, […]
-
Buong NCR, mananatili sa Alert Level 1
MANANATILI sa Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) mula Abril 1 hanggang 15, 2022. Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Marso 31, 2022, ang Abril 1 hanggang 15, 2022 Alert Level Classification sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs). […]
-
‘Zack Snyder’s Justice League’ Complete Character Posters, Streaming in PH On HBO GO
HBO recently unveiled the last of the character posters for Zack Snyder’s Justice League. Now that the gang is complete, we finally have a glimpse of Wonder Woman and Cyborg in all their glory in the black and white key art after the teasers for Batman, Superman, Aquaman, and The Flash. Plus the […]