• April 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.

 

Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.

 

“Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine brand, sasabihin sa mababakunahan ang vaccine brand habang nasa vaccination center,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Hindi ililihim sa mababakunahan ang bakunang ibibigay sa kaniya. Karapatan n’yo po itong malaman at tanggihan ito,” anito.

 

Kaya hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na iwasan na ang maging “choosy” sa vaccine brands.

 

Ang lahat ng COVID-19 vaccine ani Se. Roque ay dumaan sa masusing pagsusuri ng local at international drug regulators.

 

“Ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang ituturok sa inyo pong mga braso,” anito.

 

“Totoo po, meron tayo lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi naman po pupuwede na pihikan. Napakadaming Pilipino na dapat turukan,” ayon pa kay Sec. Roque.

 

Sabi pa ng opisyal, wala namang pilitan sakaling ayaw ng isang indibidwal na magpaturok ng bakunang ibibigay sa kaniya.

 

“Wala pong pilian, wala po kasing pilitan… Tama lang naman po ‘yan, walang pilian kasi hindi naman natin mako-control talaga kung ano’ng darating at libre po ito,” aniya.

 

Sa ngayon, nakakuha na umano ang Pilipinas ng garantiyang suplay mula sa vaccine maker ng China na Sinovac. Meron na rin daw mula sa AstraZeneca at Serum Institute ng India.

Other News
  • Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID

    NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021.   Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito […]

  • Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… NADINE at HEAVEN, makakalaban sina KIM, MAX, JANINE, at ROSE sa pagka-Best Actress

    TIYAK na kapana-panabik na naman ang magiging labanan sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong ito.       Muli ngang magtatapat sa pagka-Best Actress sina Nadine Lustre para sa ‘Greed’ at Heaven Peralejo para sa ‘Nanahimik ang Gabi’. Makakalaban nila sina […]

  • Ilang Cabinet, PSG members nauna na sa bakuna

    Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.   Ito’y kahit pa sinabi na ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala pa silang COVID-19 vaccine na inaaprubahan sa Pilipinas.   Gayunman, tumanggi si […]