COVID-19 VACCINE STORAGE FACILITY SA MAYNILA, HANDA NA
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
HANDA na ang banong Covid-19 vaccine storage facility matapos pasinayan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.
Ang itinayong bagong COVID-19 Vaccine Storage Facility na pag-iimbakan ng mga vaccine vials na magmumula sa iba’t ibang pharmaceutical firms.
Ito’y makaraang bisitahin ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team ng national government ang Sta. Ana Hospital ngayong araw. Ang nasabing vaccine storage facility ay matatagpuan sa 7th floor ng Sta. Ana Hospital.
“Refrigeration units have already been deployed at the facility, which includes five HYC-390 refrigerators for AstraZeneca and Sinovac vials, two -25°C biomedical freezers and two -30°C biomedical freezers for Johnson&Johnson and Moderna vials,” saad ng Manila Public Information Office (MPIO).
Inaasahan naman na may tatlo pang refrigeration units ang darating sa Sta. Ana Hospital at ito ay ang -86°C ULT freezers na pag-iimbakan ng Pfizer vials.
Sa isinagawang pagpapasinaya ng nasabing pasilidad, sinabi ni Domagoso na ang lokal na pamahalaan ay handang tumulong sa national government na maipamahagi sa publiko ang tamang impormasyon hinggil sa pagpapapabakuna upang matapos na ang nararanasang pandemya.
“COVID-19 vaccination ang susi sa pagbubukas muli ng ekonomiya,” ani Domagoso.
“Gusto ko na pong makabalik na sa trabaho ang mga tao nang panatag, makasakay na sila ulit ng public transportation nang komportable, magbukas ang mga negosyo, makagalaw na ang mga nawalan ng trabaho, makabalik na ang mga bata sa eskwela,” dagdag pa ng Alkalde.
Nauna dito, binisita ng CODE Team officials ang vaccine storage facility kung saan iprinisinta sa kanila ni Manila Health Department (MHD) Director Dr. Arnold “Poks” Pangan ang Manila COVID-19 Situation Report. (GENE ADSUARA)
-
Holistic approach, nais ni PBBM sa pagresolba sa problema sa trapiko sa Pinas—Balisacan
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko. “What the President […]
-
Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog. Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus. “Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw […]
-
NAVOTAS NAKAKUMPLETO NA SA PAMIMIGAY NG P199.8M ECQ AYUDA
NAKAKUMPLETO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para enhanced community quarantine (ECQ) ayuda. Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteno hanggang August 25. Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 naman ang mula sa pamahalaang lungsod. “We were […]