Creamline, Petro Gazz sa AVC tilt
- Published on March 4, 2025
- by Peoples Balita
IWAWAGAYWAY ng Creamline at Petro Gazz ang bandila ng Pilipinas sa AVC Women’s Champions League na idaraos sa Abril 20 hanggang 27 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Mismong si Premier Volleyball League (PVL) president at Philippine National Volleyball Federation vice president Ricky Palou ang nagkumpirma ng pagtatalaga sa Cool Smashers at Gazz Angels para sumalang sa AVC event.
Orihinal na plano sana na ang magkakampeon sa ginaganap sa PVL All-Filipino Conference ang sasabak sa AVC tournament.
Subalit dahil kailangan nang isumite ang team sa AVC, nagdesisyon ang PVL na tukuyin na lamang ito base sa standings ng teams matapos ang preliminary round.
Sa pagtatapos ng eliminasyon, nanguna ang Cool Smashers at Gazz Angels kaya’t nakuha ng dalawang teams ang karapatang maging respresentatives ng bansa sa AVC.
Bilang host country, pinahintulutan ang Pilipinas na magpasok ng dalawang teams sa AVC tournament.
Orihinal sanang gaganapin ang AVC event sa South Korea ngunit inilipat ito sa Vietnam bago muling ipasa ang hosting rights sa Pilipinas.
Hawak ng Creamline at Petro Gazz ang parehong 10-1 rekord sa pagtatapos ng eliminasyon.
Ipaparada ng Creamline si team captain Alyssa Valdez habang bibida naman sa Petro Gazz sina Filipino-American standouts Brooke Van Sickle at MJ Phillips.
-
Pagbaba ng COVID-19 cases dahil sa malawakang vaccination – OCTA
Kumpiyansa ang OCTA Research Group na ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay dulot nang malawakang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan. Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ang reproduction number ng Pilipinas ay nasa 0.52 na lamang, na indikasyong nagkakaroon ng pagbagal […]
-
P139K shabu nasabat sa Navotas buy bust, 4 kalaboso
MAHIGIT P.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement […]
-
Mahigit 34-K na pamilya apektado pa rin ng oil spill sa Oriental Mindoro
MAYROONG 34,553 na pamilya mula Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong ding 13,654 na mga pangkabuhayan ng mga mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng oil spill. Tiniyak ng ahensiya na mahigpit ang ginagawang pagtutulungan ng mga iba’t ibang […]