Crime rate bumaba ng 73.76%
- Published on February 25, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na lamang ito noong 2021.
Sinabi ni Año na ito’y bunga na rin ng mga episyenteng programa ng administrasyong Duterte laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.
Tinukoy ng kalihim ang crime index bilang lawbreaking offenses na ikinukonsidera bilang ‘serious in nature’ gaya ng murder, homicide, rape, robbery, carnapping, physical injuries at walong iba pang special complex crimes, bilang halimbawa.
Anang DILG chief, kumpara sa 374,277 crime incidents noong 2020, ang numero ay bumaba sa 360,573 noong 2021 o 3.66% pagbaba.
Pagdating sa peace and order, mayroon ding malaking pagbaba sa index crimes at non-index crimes na mula 377,766 incidents noong 2016 ay naging 211,237 noong 2021.
Binigyang-diin ni Año na nangangahulugan ito na nararamdaman ng publiko ang pagganda ng peace and order situation ngayon, dahil mas naging kumpiyansa na sila sa kakayahan ng pamahalaan na protektahan sila laban sa mga lawless elements.
-
Nag-enjoy at nakapag-bike sa Golden Gate Bridge: ZOREN, sumama sa trip nina CASSY at DARREN para magbantay
NAKA-SCHEDULE na palang umalis, any day now, sina Alden Richards at Julia Montes para mag-shoot ng first team-up movie nila na “Five Break-Ups and A Romance.” Collaboration project ito ng GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad Corporations ni Alden, na written and directed by Irene Emma Villamor. Marami nang nagtatanong kung […]
-
Ex-PRRD nakahandang humarap sa ICC, hinamon ang int’l criminal court
HINAMON ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court (ICC) na simulan ang imbestigahan nito sa kanyang madugong war on drugs. Sa pagharap ng dating pangulo sa pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Duterte sa ICC na “come here and start the investigation tomorrow,” sabay dagdag na baka yumao siya bago magkaroon […]
-
Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City, MECQ na sa Aug.16 – Aug. 22 – IATF
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang quarantine classification ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) papuntang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula August 16 hanggang August 31, 2021. Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili naman […]