Criminal gang member, kalaboso sa pagbebenta ng baril sa pulis
- Published on April 7, 2025
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng 32-anyos na miyembro ng isang grupong kriminal nang pagbentahan ng hindi lisensiyadong baril ang pulis na nagpanggap pa buyer sa Valenzuela City.nnSinampahan ng pulisya ang suspek na si alyas “Weng”, ng Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at paglabag sa Batas Pambansa Bilang 881 o ang Omnibus Election Code sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.nnSa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, positibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa pagbebenta umano ng hindi lisensiyadong baril ng suspek.nnBumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Capt. Mark Angelo Bucad saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Weng dakong alas-4:55 ng madaling araw sa isang bakanteng lote sa San Francisco St. Brgy. Karuhatan.nnNakumpiska sa kanya ang isang 1911 kalibre .45 pistol na may isang magazine, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 20 pirasong P1,000 boodle money, cellphone at sling bag.nnAyon kay Col. Cayaban, miyembro ng Monsanto Criminal Group na sangkot sa iba’t-ibang uri ng krimen si alyas Weng, na nagpapakilala bilang balloon decorator. (Richard Mesa)
-
UAAP crown nabawi ng UP
NAIBALIK ng University of the Philippines ang korona sa kanilang bakuran matapos patalsikin sa trono ang De La Salle University, 66-62 sa do-or-die Game 3 ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi. Nagsanib puwersa sina graduating student JD Cagulangan, Francis Lopez at Quentin Millora-Brown upang akbayan […]
-
John Enrico “Joco” Vasquez, naguwi ng gintong medalya mula sa Ontario Karate Championship
Hindi maipaliwanag ang saya. Ito ngayon ang nararamdaman ni John Enrico “Joco” Vasquez, Karateka National Athlete Gold Medalist, matapos nitong masungkit ang gintong medalya sa kategoryang Male Kata sa katatapos lamang na Ontario Karate Championships. Sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na kakaiba ang naging karanasan nito sa […]
-
Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas. Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang […]