• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Criminal gang member, kalaboso sa pagbebenta ng baril sa pulis

SA kulungan ang bagsak ng 32-anyos na miyembro ng isang grupong kriminal nang pagbentahan ng hindi lisensiyadong baril ang pulis na nagpanggap pa buyer sa Valenzuela City.nnSinampahan ng pulisya ang suspek na si alyas “Weng”, ng Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at paglabag sa Batas Pambansa Bilang 881 o ang Omnibus Election Code sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.nnSa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, positibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa pagbebenta umano ng hindi lisensiyadong baril ng suspek.nnBumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Capt. Mark Angelo Bucad saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Weng dakong alas-4:55 ng madaling araw sa isang bakanteng lote sa San Francisco St. Brgy. Karuhatan.nnNakumpiska sa kanya ang isang 1911 kalibre .45 pistol na may isang magazine, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 20 pirasong P1,000 boodle money, cellphone at sling bag.nnAyon kay Col. Cayaban, miyembro ng Monsanto Criminal Group na sangkot sa iba’t-ibang uri ng krimen si alyas Weng, na nagpapakilala bilang balloon decorator. (Richard Mesa)

Other News
  • Balitang ila-lockdown ang MM ngayong holiday season, fake news

    MULING PINABULAANAN ng Malakanyang na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila (MM) na may 12 milyong katao sa panahon ng Pasko at Bagong Taon para mapigil ang pagkalat ng Covid -19.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga walang hiya lamang na gustong siraan ang Pasko dahil nagpapakalat ng pekeng balitang ito. “Fake news […]

  • PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).   Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’   Sa kanyang weekly vlog na […]

  • LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID

    HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.     Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port […]