• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CSC, nag-aalok ng mga kurso sa pagsasanay para sa civil servants

NAG-AALOK ang Civil Service Commission (CSC) ng mahigit sa 70 kurso na may kinalaman sa leadership, foundation at Human Resource Management (HRM) sa pamamagitan ng Civil Service Institute (CSI) sa mga civil servants sa bansa para sa 2023.

 

 

Kabilang sa mga kursong ito ang mga paksa sa iba’t ibang pamumuno at HR function tulad ng Leadership and Management Certification Program, Public Service Values Program, CSI Leadership Series, Competency-based HR Program, Learning and Development Programs at Strategic HROD Series.

 

 

Ang mga rehistradong kalahok na makakatapos ng mga online na kursong ito ay makakakuha ng “certificate of completion” gayundin ang kinakailangang training hours na magagamit upang matugunan ang kinakailangan sa pagsasanay para sa mga posisyong managerial at superbisor para sa civil service.

 

 

“Ito ay bahagi ng regular na programa ng CSC na maghatid ng learning and development interventions para sa mga lider at kawani ng pamahalaan. Mahalaga para sa ating mga lingkod bayan na mayroon silang continuous learning, na patuloy na madagdagan ang kanilang kaalaman at mahasa ang kanilang competencies na kinakailangan para makapagbigay ng maayos na serbisyo publiko,” ayon kay CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles.

 

 

Ayon sa opisyal, ang mga naka-line-up na kurso ngayong taon ay upang matulungan ang mga tagapaglingkod ng sibil, kabilang ang mga managers at mga human resource practitioners, na mag-navigate sa mga pagbabago sa burukrasya at mga hamon ng serbisyo publiko sa panahon ng post-pandemic.

Other News
  • Ads April 23, 2022

  • Mas mabilis at maliksi ako kay Spence- Pacquiao

    Matinding kalaban si Errol Spence Jr. na may bitbit na dalawang korona – ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles.     Mas bata rin ang 31-anyos na si Spence kumpara sa 42-anyos na eight-division world champion Manny Pacquiao.     Ngunit hindi ito hadlang para kay Pacquiao.     […]

  • IATF, Metro Manila mayors nagkasundo na sa MGCQ simula Marso 1 – Palasyo

    Inaasahang aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula Marso 1.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang mga Metro Manila mayors ay sumang-ayon na rin rito at kailangan na lamang […]