CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan.
Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno.
Ang CSC ay nagkakaloob ng Honor Graduate Eligibility (HGE) para sa Latin honor graduates sa Private Higher Education Institutions (PHEI) sa Pilipinas mula School Year 1972-1973 sa baccalaureate o bachelor’s degrees na kinikilala ng Commission on Higher Education alinsunod sa Presidential Decree No. 907 na inisyu noong Marso 11, 1976.
Layunin ng batas na agarang maisama ang mga Latin honor graduates sa public service upang matiyak ang partisipasyon ng mga ito sa public affairs na mapag-ibayo pa ang kalidad ng serbisyo publiko.
“Honor graduates can easily secure their civil service eligibility without undergoing the examination. The fact that they graduated with honors is considered sufficient basis to determine merit and excellence for public employment,” ayon pa sa opisyal.
Ang kompletong list of requirements at application procedures ay available sa CSC website sa www.csc.gov.ph/special-eligibilities.
-
OFW Center, layon na ipromote ang kapakanan ng overseas workers’- PDU30
MAKATUTULONG ang paglikha ng Overseas Filipino Workers (OFW) Center sa Las Piñas City para i-promote ang karapatan at kapakanan ng ng mga overseas workers. Dinisenyo kasi ito upang maging one-stop hub para sa mga migrant workers. Sa isinagawang groundbreaking rites ng OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, tiniyak ni […]
-
David Harbour’s Version of Santa Claus in ihe Action-packed Holiday Movie “Violent Night”
FROM 87North, the producers of non-stop action thrills with groundbreaking fight sequences such as John Wick and Bullet Train comes “Violent Night”, where Santa is pitted against bad guys on Christmas day and shows them what Christmas is like for the naughty ones. Violent Night’s Santa Claus is the real Santa, but in a way […]
-
Mahigit 300 pamilya inilikas dahil sa bagyong Neneng- NDRRMC
NAKAPAGTALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 300 pamilya na iniwan ang kanilang tahanan sa Region 2 at naghanap ng masisilungan sa iba’t ibang evacuation centers dahil kay bagyong Neneng, araw ng Linggo. Sa kamakailan lamang na situation report nito, sinabi ng NDRRMC na may 337 pamilya o 960 […]