Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus.
Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating na reefer containers na naglalaman ng karne ng baboy at iba pang produktong karne bago makapasok sa Pilipinas.
“The Bureau of Customs has been strictly monitoring agricultural and other food items and ensuring that proper procedures are followed to guarantee the safety of the consumers and prevent the entry of food that may contain diseases,” ayon sa pahayag ng BOC.
Kabilang sa ipinatutupad na aksyon ng BOC ay ang pagsampa sa mga dumarating na barko ng kanilang mga tauhan at quarantine officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para magsagawa ng inspeksyon.
Matapos ang inisyal na eksaminasyon ng mga boarding officers, nilalagyan ang reefer container ng seal para naman sa 100 porsyentong eksaminasyon ng National Meat Inspection Service sa storage warehouse.
Nagpalabas na rin ang BOC ng panuntunan para sa Electronic Tracking of Containerized Cargo System (E-TRACC System) na isang paraan sa pagsuri sa mga ‘reefer imporation’ sa iba’t ibang pantalan sa bansa. (Daris Jose)
-
Bagay na tawaging ‘Good Boy’ dahil ganun sa tunay na buhay: ALDEN, inaming hindi naman perfect dahil nagkakamali rin
MAY bago nang tawag ngayon kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards, simula nang mag-taping na siya ng bago nilang serye sa GMA Network, ang Pilipino adaptation ng Korean drama series na “Start-Up.” Noong 2012 na ginawa ni Alden ang “One True Love,” una siyang tinawag na ‘Tisoy’ at kahit hanggang ngayon, ganoon pa […]
-
Department of Health , nakapagtala ng 593 na kaso ng chikungunya
NAKAPAG-ULAT ang Department of Health (DOH) ng halos 600 kaso ng chikungunya sa buong bansa. Ang pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH ay nagpakita na mayroong 593 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 3. Ang bilang ay 566 porsyento na mas mataas kaysa sa 89 na kaso ng chikungunya […]
-
51% Pinoy tiwala sa vaccine program ng government – SWS
Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19. Lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na 51% ang nagsabi na nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangan ng 18 percent ang tinawag na “very confident” habang 34 naman ang medyo kampante. Samantala […]