• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA at DoJ, sanib-puwersa sa paglikha ng “green jobs” para sa PDL

SANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture at  Department of Justice  sa paglikha ng ” sustainable green jobs” para sa mga persons deprived of liberty (PDL) o mga preso.

 

 

Nauna nang sinaksihan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa  isang kasunduan sa pagitan ng mga ahensiya para sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project na naglalayong gamitin ang mga nakatiwangwang na lupain ng Bureau of Correction para sa agricultural development para tulungan ang nilalayon ng  pamahalaan na makamit ang food security.

 

 

Sa pamamagitan ng proyekto, mauugnay ang mga PDL sa farm work para ireporma at ihanda ang mga ito na maisama sa lipunan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa  ceremonial signing ng kasunduan, sinabi ng Pangulo na ang inisyatiba ay patotoo sa  “unyielding commitment to both food security and rehabilitative justice” ng pamahalaan.

 

 

“By investing in these capacity-building activities, we are not only helping boost food production but also giving our PDLs opportunities to realize their potential for positive change and reformation,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.

 

 

“The challenges in food security today are multifaceted and complex, thus it is crucial for us that we work together and tap into our respective specialties, expertise, and strengths so we can formulate more comprehensive, empirical, and integrated approaches,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang makamit ang nilalayon ay makapag-aambag sa  “much greater humanitarian causes” gaya ng rehabilitasyon at reintegration ng mga PDL tiyakin ang “hunger prevention, poverty alleviation, at mas maayos na kalusugan.

 

 

“So I urge our national government agencies to continue pursuing innovative projects that address the needs that evolve now in this modern age for Filipinos. By making innovation our priority, we can expedite the delivery of programs and services and build a more robust economy,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang mga PDL ay bibigyan ng “tailored support services” na dinisenyo  para itatag at paghusayin ang  food production at agricultural skills, at maging ang “managerial at operational capacity.”

 

 

Sa simula, 500 ektarya ng Iwahig Prison ng BuCor at Penal Farm sa  Palawan ang ide-develop para maging agri-tourism sites at  food production areas sa pamamagitan ng RISE project.

 

 

Matapos ang  pilot implementation sa Iwahig, ilulunsad din ang iba pang operating facilities ng BuCor.  (Daris Jose)

Other News
  • LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

    Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.     Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.     Sinabi […]

  • Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco

    INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo.     Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito.     Papalo […]

  • ‘Rastro’ fans nina RHIAN at GLAIZA, nabubuhay na naman dahil sa mga post nina KYLIE at ANDREA

    KUNG dati ay talagang may pag-iwas sina Dominic Roque at Bea Alonzo na mag–post na magkasama sila, ngayon, open na ang mga ito.      Nagpo-post na sila ng mga ganap nila habang magkasamang nagbabakasyon sa U.S. at tina-tag na rin nila ang isa’t-isa. Tulad nga ng recent camping nila.     In fairness sa […]