• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA at DOLE kapit-bisig para sa Kadiwa ng Pangulo

LUMAGDA sa isang memorandum of understan­ding sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma para palakasin pa ang Kadiwa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

 

Sinabi ni Laurel na sa ilalim ng kasunduan ay magbibigay ang DOLE ng manpower para naman mapalawak pa o maparami pa ang Kadiwa Centers sa bansa para maparami rin ang job opportunities.

 

 

Anya nasa 1,500 Kadiwa centers ang target nilang mapatayo sa buong bansa kaya’t mala­king tulong dito ang DOLE para mapaigting ang programa.

 

Sinabi naman ni Sec Laguesma na magbibigay din sila ng technical assistance sa mga magsasaka at mangingisda at bibigyan sila ng pagkakataon na makapasok sa Kadiwa ng Pangulo kung saan nabibili ang abot kayang mga pagkain.

Other News
  • Suplay ng natural gas sa Finland, itinigil na ng Russia

    ITINIGIL  ng Russia ang pagbibigay ng natural na gas sa Finland.     Ikinagalit ng Moscow ang pag-aplay nito para sa pagiging miyembro ng NATO, matapos tumanggi ang bansang Nordic na bayaran ang supplier ng Gazprom sa rubles.     Walong porsyento ng natural gas ang kino-konsumo ng Finland at karamihan sa mga ito ay […]

  • Bagunas biyaheng Japan, bagong kontra inilatag

    MULING masisilayan si dating UAAP MVP Bryan Bagunas sa aksiyon sa Japan Volleyball Premier League dahil panibagong kon-trata ang ibibigay sa kanya ng Japanese club team na Oita Miyoshi.   Ito ang isiniwalat ni Bagunas matapos magsilbing import ng Oita Miyoshi sa nakalipas na 2019 season.   “Sinabi sa akin ng team na kukunin nila […]

  • Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel

    KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19.   Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute.   Tinatayang nasa, […]