• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, binalaan ang publiko laban sa pagbili ng smuggled na sibuyas na nagpositibo sa e.colitorial

BINALAAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang publiko laban sa pagbili ng mga smuggled na sibuyas. Ito ay matapos na magpositibo sa E. COLI ang mga smuggled na sibuyas na nakumpiska sa isinagawang surprise inspection sa public market sa Maynila noong nakaraang linggo.

Ayon kay Tiu Laurel Jr, kanya nang ipinagutos ang pagkumpiska sa lahat ng mga smuggled na sibuyas sa ilalim ng food safety act of 2013.

Paalala ng ahensya, mapapansing mas malaki ang mga imported na sibuyas at mas malinis tignan kung ikukumpara sa lokal na sibuyas.

Kanya ring inatasan ang Bureau of Plan Industry o BPI at iba pang DA unit na nagmomonitor sa mga palengke na maging alerto sa mga smuggled na sibuyas.

Ito’y upang kaagad na masuri ang mga smuggled na sibuyas at matanggal sa mga pamilihan dahil malinaw na banta ito sa pampublikong kalusugan.

Sinabi naman ni Bureau of Plan Industry Director Glen Panganiban, na naipaalam na nila sa lokal na pamhalaan ng Maynila ang resulta ng pagsusuri sa smuggled na sibuyas.

Binigyang-diin pa ng DA na wala silang inilalabas na permit para sa pag-aangkat ng sibuyas simula nitong mga unang buwan ng taon. (PAUL JOHN REYES)