• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, ipinatigil ang poultry importation mula sa 4 na estado ng Amerika

xr:d:DADf9-PjVgY:86,j:8786938699018116994,t:24011801

IPINATIGIL ng Department of Agriculture (DA) ang poultry importation mula sa apat na estado ng Amerika para mapigilan ang paglaganap ng bird flu sa Pilipinas.

 

 

Ipinag-utos ng DA ang import ban sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 11 sakop ang domestic at wild birds at kanilang produkto, kabilang na ang poultry meat, day-old chicks, mga itlog at semilya mula Illinois, Minnesota, Ohio at Wisconsin.

 

 

Ipinahayag ito ng DA sa memo matapos na iulat ng Estados Unidos ang ilang outbreaks ng ‘highly pathogenic avian influenza’ noong Pebrero 3 ngayong taon na makaaapekto sa domestic birds.

 

 

Ipinag-utos ng ahensiya ang ban para mapigilan ang pagpasok ng avian influenza “and protect the health of the local poultry population,” ayon sa naging direktiba na nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Pebrero 18.

 

 

Kagyat naman na sinuspinde nito ang ‘processing, evaluation at issuance’ ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa mga nabanggit na kalakal.

 

 

“All veterinary quarantine officers/inspectors will stop and confiscate poultry deliveries from these American states at all major ports of entry,” ayon sa Kalihim.

 

 

Gayunman, ang import restriction ay hindi naman ia-apply sa shipments mula sa apat na estado ng Amerika na “that were in transit, loaded or accepted unto port before the Philippine government transmitted the order to American authorities.”

 

 

“The ban excludes such commodities as long as the products were produced or slaughtered 14 days before the first reported outbreak. Illinois recorded its first outbreak on Nov. 14, 2024, followed by Minnesota on Nov. 26, 2024; Ohio on Dec. 13, 2024 and Wisconsin on Dec. 10, 2024,” ayon sa DA.

 

 

Bago pa ito, binawi na ng DA ang import ban sa poultry products mula Ohio noong Hunyo ng nakaraang taon at Minnesota noong nakaraang Nobyembre.

 

 

Ang Veterinary authorities ng Estados Unidos at Pilipinas ay lumagda ng kasunduan noong 2016 na nagsasad ng “ang state-wide ban ay ipatutupad lamang kung may tatlo o higit pang bansa ang apektado ng avian influenza” sa isang estado.

 

 

“The above-mentioned state has three (3) or more counties affected with HPAI as reflected in their official reports in the WOAH (World Organization for Animal Health),” ang sinasabi sa memo.

 

 

Samantala, ang Amerika ang isa sa major suppliers ng meat products ng Pilipinas, hawak nito ang export market share na 15.2% sa nakalipas na taon.

 

 

“Meat imports rose by 20.8 percent to 1.45 million metric tons (MT) in 2024 from 1.2 million MT a year ago,” ayon sa data mula sa Bureau of Animal Industry. (Daris Jose)

Other News
  • Sinibak na sekyu, namaril at nang hostage, 1 sugatan

    SUGATAN ang nabaril na OIC ng security guard ng Virra Mall San Juan, Greenhills Shopping Center habang nasa 30 katao naman ang hawak na hostage ng suspek na nasa loob ng Admin office.   Nakilala ang suspek na si S/G Archie Paray na armado ng pistoling baril habang sugatan naman si OIC Ronald Velita na […]

  • Imbestigasyon ng PNP sa bomb threat sa Kongreso, nagpapatuloy-Acorda

    NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa napaulat na serye ng bomb threat na natatanggap ng mga miyembro at empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakikipagtulungan na sila sa Kongreso at napagkasunduan […]

  • Disney Animation’s “Strange World” – All-New Featurette Now Available

    A new featurette is now available for Walt Disney Animation Studios’ action-packed adventure “Strange World,” revealing how the voice cast describes the upcoming feature: crazy, bizarre, adventurous, mysterious, thrilling, mind-blowing and, of course, strange.     Watch the featurette below:     Featured stars include Jake Gyllenhaal, who lends his voice to Searcher Clade, a […]