DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño
- Published on February 7, 2024
- by @peoplesbalita
PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan.
“Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng hybrid ,” ayon kay DA spokesperson, Assistant Secretary Arnel De Mesa.
Sinabi ni De Mesa na hindi kasi sapat ang tubig sa rain-fed areas lalo pa’t inaasahan na bibigwas ang El Niño mula Pebrero hanggang Marso at hihina naman pagdating ng Abril.
Aniya, kasunod ng kanilang pagbisita noong nakaraang linggo sa mga lugar sa Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Ilocos, at Cagayan Valley, sinabi niya na sapat pa naman ang irigasyon.
“Sapat pa naman iyong tubig lalo na sa Angat at Pantabangan Dam at inaasahan natin na maganda iyong tayo ng ating mga palayan doon ,” ayon kay De Mesa.
At upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar na labis na maaapektuhan ng El Niño, naghanda naman ang DA para sa cloud seeding operations at distribusyon ng small-scale irrigation projects.
Hinikayat din ng departamento ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na hindi na kakailanganin ang sobrang tubig at obserbahan ang “alternate wetting and drying” para mabawasan ang pangangailangan para sa water consumption sa mga lupang sakahan.
“Naglaan din ang Philippine Crop Insurance Corporation ng PHP1.8 billion, para ma-insure iyong mahigit sa 916,000 na magsasaka mula January hanggang June ngayong taon at naglaan din kami ng halos kalahating bilyong piso (500 million) para sa mahigit 200,000 na mga magsasaka na puwedeng maapektuhan ng El Niño,” ani De Mesa.
At nang tanungin kung ang Pilipinas ay maaaring maging self-sufficient sa rice supply sa 2028, tinuran ni de Mesa na titiyakin ng DA na ilalatag nito ang lahat ng kanilang proyekto lalo na sa irigasyon upang masiguro na tataas ang lokal na produksyon ng bigas. (Daris Jose)
-
7 arestado sa buy bust Valenzuela
Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city. Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni […]
-
2 tulak laglag sa P223K droga sa Navotas buy bust
MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Sinok”, 48 ng Brgy. San Jose at alyas […]
-
PBBM CITES SIGNIFICANCE OF MATATAG CURRICULUM, SAYS IT COULD FINE TUNE PH EDUCATION
THE Department of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday. “This is very significant because…ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga […]