• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para ibaba ang presyo ng sibuyas, pinag-iisipan ang pag-angkat

SA GITNA nang tumataas na presyo ng sibyas sa piling pamilihan, sinabi  ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat ng  commodity,  para mapababa ang presyo nito.

 

 

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista  na nakikipag-ugnayan na sila sa mga onion farmers para idetermina  kung paano nila  maibababa ang  farmgate price, kasalukuyan ngayong nasa  P100 hanggang P120 kada kilo.

 

 

“Medyo mataas talaga ang ating farmgate price ngayon. Tinitignan natin kung paano, kung pwede talagang i-peg na lang sana sa P100 [per kilo] ang farmgate kung saan nakabawi na ating mga magsasaka, may margins na sila,” ayon kay Evangelista.

 

 

Aniya pa, kailangan din na i-monitor ng DA ang “inflow and outflow” ng onion stocks sa cold storage facilities, at i-check ang mga daungan, ports at pamilihan para idetermina kung mayroong ipinagbibili na smuggled onions.

 

 

“Sa ngayon, wala naman tayong nakikitang imported na mga sibuyas. Pero all the angles are being looked into para we are working on bringing down the price of onions para sa ating consumers,” ayon kay Evangelista,

 

 

Ayon naman sa  Bureau of Plant Industry (BPI), ang suplay ng pulang sibuyas sa bansa ay sapat at magtatagal ng hanggang Nobyembre habang ang puting sibuyas naman ay magtatagal ng hanggang Setyembre.

 

 

Nauna rito, nanawagan naman ang  Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na mag-angkat ng puting sibuyas sa Hulyo para makaiwas sa posibleng kakapusan at pagtaas ng presyo.

 

 

Para naman sa pulang sibuyas, sinabi ng grupo na ang importasyon ay maaari namang gawin “on a  later time.”

 

 

Ani Evangelista, kinokonsidera ng DA  ang pag-angkat ng commodity para sa  price stability purposes.

 

 

Hindi naman nagbigay si Evangelista ng “estimated date” sa kung kailan mangyayari ito.

 

 

“Siyempre, kailangan nating ma-maintain ang supply. At the same time, we will check ‘yung supply, nakakarating mismo sa palengke. ‘Pag ito ay sapat, ang presyo natin ay magiging stable,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Olympian pole vaulter EJ Obiena nagulat matapos pigilan ng US immigration

    NABIGLA umano at hindi makapaniwala ang world pole vaulter na si EJ Obiena matapos pigilan ng mga ahente ng US Department of Homeland Security sa loob ng mahigit 12 oras dahil sa hinalang pagtakas sa mga kasong felony sa Pilipinas sa pagdating nito sa Los Angeles mula sa bansang Italy noong July 7, 2022.   […]

  • 9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, nasa Camp Crame na

    Inilipat na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, ayon kay Philippine National Police spokesman Police Brigadier General Bernard Banac.   Saad ni Banac, personal na hinatid ni Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brigadier General Manuel Abu ang siyam na […]

  • Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund

    PLANO ng Pilipinas na tapikin ang  mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund.     Habang sinimulan  na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng  sovereign wealth fund […]