• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, PINAG-AARALAN NA ANG PAG-ANGKAT NG BIGAS SA MGA ASIAN COUNTRIES PARA MAIPAGPATULOY ANG BENTAHAN NG P20.00 KADA KILO NG BIGAS

PINAG-AARALAN na ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng bigas sa mga asian countries matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas hanggang sa 2028.
Ayon kay DA Spokesman Assistant Secretary Arnel De Mesa, posibleng idaan sa Food Terminal Inc. na pagaari at kontroladong korporasyon ng pamahalaan ang planong pagi-import ng bigas.
Hindi aniya sapat ang supply ng National Food Authority (NFA) kung palalawigin ang pagbebenta ng murang bigas kung kayat pinag-aaralan ang pagi-import ng bigas.
Bukod kasi sa vulnerable sector gaya ng senior citizen, person with disability, solo parent at 4ps beneficiaries, sa susunod na buwan ay sisimulan na rin ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa mga minimum wage earner.
Gayunman, hindi pa masabi ng DA kung saang mga bansa kukuha ng bigas lalot patuloy ang ginagawang pagaaral upang maipagpatuloy ang programa.
Maliban sa asian countries, posibleng kumuha rin ng bigas ang Pilipinas sa mga rice producing countries gaya ng Pakistan at India.
Posibleng sa susunod na taon isagawa ang importasyon ng bigas para sa ibebentang P20 kada kilo ng bigas. (PAUL JOHN REYES)