Daan-libong Pinoy mawawalan ng trabaho sa fake, substandard products mula China
- Published on August 13, 2024
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na daan-daang libong manggagawa sa bansa ang maaapektuhan at mawawalan ng hanapbuhay kung hindi marerendahan ang talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na karamihan ay galing China gamit ang mga online deliveries.
Dahil dito, maghahain si Tulfo kasama ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon city 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ng isang resolusyon para pa-imbestigahan sa Kongreso ang “unfair online sales practices” ng mga offshore aplliances na karamihan ay galing sa China at direktang ipinapasok sa bansa at ibinebenta sa mas murang halaga.
“Kung hindi ito mapipigilan, maraming manufacturers sa Pilipinas na sumusunod sa tamang alituntunin ng batas natin ang mapipilitang magsara dahil sa pagkalugi. At kapag nangyari ito siguradong daan-daang libong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho,” ani Tulfo sa pahayag.
Sinabi ng mambabatas na aabot sa 15 negosyante na karamihan ay manufacturer at nagbebenta ng mga appliances ang personal na lumapit sa kanyang tanggapan para magpasaklolo dahil apektado na ang kanilang negosyo sa talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na ibinebenta sa mas murang halaga.
“Itong mga negosyante na ito, sila ‘yung mga nagbabayad ng tamang buwis at sumusunod sa lahat ng regulasyon at alituntunin na pinaiiral ng ating batas. Pero sila ang lubos na apektado at ngayon at nalulugi dahil sa hindi patas na bentahan sa merkado,” giit ni Tulfo.
Nilinaw naman ni Tulfo na hindi siya tutol sa mga online selling, pero iginiit niya na dapat din silang dumaan sa mga itinakdang batas ng ating gobyerno.
-
98K benepisaryo, nakakuha ng P221-M AICS sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan
INIULAT ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ito ng P221.06 milyong piso sa 98,092 benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito sa idsinagawang pag-arangkada ng Bagong Pilipinas service caravan sa apat na lalawigan nito lamang weekend. Ang 98,092 benepisaryo ng AICS ay bahagi ng 322,689 […]
-
Andas ng Poong Nazareno, pinatibay
GINAWA nang mass matibay ngayon ang andas ng Poong Hesus nazareno para sa Traslacion 2025 kung saan ginawa na itong sunproof , ayon kay Minor Basilica at national Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church . Sinabi ni Fr.Robert Arellano, tagapagsalita ng Quiapo Church na ang kapistahan ngayon ng Jesus Nazareno na makikita na ng […]
-
Susunod na Senate President, dapat mula sa UniTeam – Sen. Marcos
NANINIWALA si Senator Imee Marcos na ang susunod na Senate President ay mula sa UniTeam o ang grupo ng kanyang kapatid na si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Aniya, kailangan daw ay mayroon talagang maaasahang isang majority na matibay at mayroong solid na 13 na boto mula sa mga senador. […]