• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag isolation facilities bubuksan na rin sa mga PROs sa NCR Plus – PNP

PROBLEMA ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

 

 

Kaya ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices (PRO) lalo na ang mga nasa NCR Plus.

 

 

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, ang pagbubukas ng mga dagdag na facilities ay paghahanda dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases dulot ng Omicron straint.

 

 

” Yes Anne. Sa kautusan ng ating CPNP Dionardo Carlos, tayo ay nag expand ng ating mga isolation facilities initially dito sa Camp Crame to be replicated in other PROs especially NCR plus to prepare for the ongoing surge of Covid-19 infection,” mensahe ni PLt.Gen. Vera Cruz.

 

 

Ayon sa Heneral, naglabas na rin sila ng guidelines para sa home quarantine and isolation ng kanilang mga personnel na positibo sa virus.

 

 

Layon kasi nito na ma-decongest ang kanilang mga facilities at i-accomodate ang talagang nangangailangan.

 

 

” We have also issued guidelines on home quarantine & isolation to decongest and reserve our isolation facilities to those who need it most. Kaya yung mga asymptomatic & mild cases na may available rooms for isolation in their respective residences are given clearance to isolate at home after being assessed by our medical doctors. We are also in close contact with the different LGUs as to availability of isolation facilities for our personnel,” pahayag ni Vera Cruz.

 

 

Karamihan sa mga pulis na infected ng Covid-19 ay mga asymptomatic at mild case lamang, ito ay dahil 96% na sa kanilang personnel ay fully vaccinated at ilan dito ay nakatanggap na rin ng booster shots.

 

 

Patuloy naman hinihikayat ng PNP ang kanilang mga personnel na hanggang sa ngayon mayruon pa rin vaccine hesitancy na magpabakuna na para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus at may may banta ngayon ng Omicron variant.

 

 

” Sa mga hanggang ngayon ay may vaccine hesitancy pa, sana inyong maunawaan na ang bakuna ang magbibigay sa atin ng proteksyon from severe infection na siguradong magpapahirap sa inyo physically & financially kung patuloy na ipagwawalang bahala nyo ito,” pahayag ni Lt.Gen. Vera Cruz.

 

 

Sa kabilang dako, pina-alalahanan din ang mga kapulisan na striktong sundin ang Minimum Public Health Standard (MPHS) gaya ng pagsusuot ng face mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing. (Gene Adsuara)

Other News
  • MAINE, thankful na endorser uli ng company na unang nagtiwala sa kanya; ramdam pa rin ang pagiging ‘Phenomenal Star’

    RAMDAM na ramdam pa rin ang Phenomenal Star na rami ng ganap ni Maine Mendoza lalo na ngayong buwan ng Hulyo.     Patuloy siyang mapapanood sa Eat Bulaga bilang host na nagsi-celebrate ng 42nd Anniversay ngayong July 30.     Patok pa rin sa viewers ang Daddy’s Gurl every Saturday with Bossing Vic Sotto […]

  • DOJ, nakikipag-ugnayan sa pag-uwi ni Veloso

    NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang proseso sa pagpapauwi sa Pilipinas sa Filipina OFW na si Mary Jane Veloso na nasa death row matapos maibaba ang kanyang hatol sa life sentence sa pamamagitan ng ilang beses na apela ng gobyerno ng Pilipinas .   Sinabi […]

  • Marami siyang natutunan sa nakaraang taon: CARLA, optimistic and looking forward sa mangyayari ngayong 2024

    NATANONG si Carla Abellana na bibida sa upcoming murder mystery series na Widows’ War, kung paano niya nakikita ang 2024 sa buhay niya? Lahad ng Kapuso actress, “I’m optimistic.” “Hindi ko man ma-envision ang mangyayari, but optiistic ako and I’m looking forward to what’s going to happen this year.” Samantala, ang pagiging unpredictable ng buhay ang isa sa […]