• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na pulis idi-deploy sa mga vaccination sites, ayuda centers sa ECQ areas – Sec. Año

Magdi-deploy ng karagdang police personnel ang Philippine National Police (PNP) sa ibat-ibang vaccination sites, ayuda centers, palengke at supermarkets sa National Capital region sa panahon na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

 

Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

 

 

Ayon sa kalihim layon nito para matiyak ang kaayusan sa mga nasabing lugar lalo na kung nasusunod ang striktong minimum public health standard.

 

 

Sa ngayon, mahigpit na border controls ang ipinapatupad sa NCR Plus.

 

 

Binigyang-diin ni Año na mga cargo vehicles, trucks at authorized person outside residence (APOR) lamang ang maaaring makadaan sa mga borders.

 

 

Aniya, may dedicated checkpoints para sa mga cargo trucks na maghahatid ng essential goods sa Metro Manila.

 

 

Ang mga APORs ay dapat ipakita sa checkpoints ang kanilang identifications cards at iba pang valid IDs na inisyu ng mga establishments na pinayagan mag-operate. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]

  • VP Robrero, tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo

    Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.     Sa kanyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City, tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.     “Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan […]

  • ICU beds sa NCR ‘high risk’

    Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.     Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera […]