• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown

Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ).

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Office of the President sa kanilang tanggapan para sa mga mawawalan ng trabaho.

 

 

“Mas mabuti sanang dagdagan nila kasi we have to be very ready for any eventuality kung talagang matindi ang epekto nitong ECQ (enhanced community quarantine),” paliwanag ng kalihim.

 

 

Sinabi niya na pinag-uusapan na ng DOLE, Department of Trade and Industry, Department of Health at Department of Social Welfare (DSWD) kung anong uri ng tulong ang ibibigay sa mga apek­tadong manggagawa.

 

 

“Hindi lamang 15 days na mawawalan ng trabaho ’yung ating mga kababayang manggagawa, kundi simula rin ngayon… Ang kasunod niyan, gutom ang katumbas sa mga manggagawa natin,” giit pa ng kalihim.

 

 

Sa kasalukuyan, maaari pa ring maka-avail ang mga formal workers ng isang beses na cash assistance na P5,000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP), habang ang mga informal workers ay binibigyan ng trabaho sa ilalim ng TUPAD na may suweldo na katumbas ng ‘minimum wage’.

Other News
  • P1.4 bilyong pondo sa libreng sakay sa EDSA carousel, aprub ng DBM

    APRUBADO  na ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ang  P1.4 bilyon na Special Allotment Release Order (SRO)  at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na karagdagang pondo para sa pinalawig na “Libreng Sakay” program.     Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalaan ng karagdagang pondo ay suporta sa hangad ni Pangulong Bongbong […]

  • Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek

    SINIMULAN  na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.     Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers […]

  • Ads August 22, 2022