• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag suporta para sa flexible-learning students, hiniling

KAILANGAN umano ng karagdagang suporta para sa mga estudyante sa ilalim ng flexible-learning scheme upang magkaroon ng dekalidad na edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral.

 

Ito ang panawagan GP (Galing sa Puso) Party-list kasunod ng ulat na pamamahagi ng Department of Education ng mahigit 87 milyong modules at 74,000 tablets sa mga estudyante sa ilalim ng flexible learning.

 

Sa kabila ng pagkilala ng grupo sa inisyatiba ng gobyerno, idiniin ni GP first nominee Atty. JP Padiernos na simula pa lamang ito ng mas maraming inisyatibang kailangan upang matugunan ang krisis sa edukasyon.

 

“Isa itong magandang hakbang pero marami pang kailangang abutin ang ating kampanya para sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan,” sabi ni Padiernos sa isang pahayag.

 

Ayon kay Padiernos, dapat na maglaan ng mas mataas na badyet sa educational initiatives ang gobyerno dahil maraming mga Pilipinong mag-aaral ang nananatiling nasa laylayan.

 

Base sa 2022 World Bank report kaugnay ng learning poverty, siyam sa 10 na Pilipinong mag-aaral ay hindi nakababasa o nakakaintindi ng simpleng sulatin sa edad na 10.

 

Sinabi ni Padiernos na ang pamimigay ng mga learning tools ay kahanga-hanga ngunit hindi ito sapat upang matugunan ang mas malaking isyu sa sistema ng edukasyon.

 

Nanawagan ang abogado sa gobyerno na lalo pa nitong paigtingin ang mandato ng 1987 Philippine Constitution na nagsasabing dapat na bigyan ng pinakamataas na prayoridad ang edukasyon sa national budget.

 

“Edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ng mga kabataan. Ito ang susi sa progresong inaasam ng ating bansa. Sa pamamagitan ng mga magagandang inisyatibong tutugon sa suliraning pang-edukasyon, nalalapit na rin ang magandang kinabukasang inaasam natin para sa bawat Pilipinong mag-aaral,” dagdag pa niya.

 

Binanggit din ng grupo ang problema sa kakulangan ng mga impraktrasturang magagamit ng mga mag-aaral. Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), may kakulangan ng mahigit 165,443 classrooms ang Pilipinas na siyang dahilan upang maging “aisle learners” o estudyanteng nag-aaral sa overcrowded at masikip na lugar ang lagpas 5.1 milyong estudyante.

Other News
  • 9-month infra spending, tumaas ng halos 12% ngayong 2024

    LUMAKI ang gastos ng national government para sa imprastraktura ng P1.142 trillion mula Enero hanggang Setyembre,.     Sa katunayan, tinukoy ang pinakabagong data, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ito ay umabot sa 11.9% mas mataas kaysa sa P1.021 trillion na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.   Sinabi pa […]

  • TOLL ROAD INTER-OPERABILITY MALABONG MAIPATUPAD NGAYONG TAON

    Pero ang mandatory cashless transaction sa tollways tuloy kahit wala pang interoperability.   Ito ang pahayag ng DOTr at ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales – na malabong magkaroon ng interoperability ngayong taon at baka sa 2021 pa raw. Ibig sabihin kapag ang sticker mo ay AUTOSWEEP RFID lang – pwede ito sa Skyway, SLEX, […]

  • Ads September 14, 2021