• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil 60% ng tawag sa 911 ay ‘prank’… SIM Registration Law, hindi epektibo-Remulla

NANINIWALA si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na hindi epektibo ang SIM Card Registration Act dahil ang POGO operations, iniuugnay sa mga ilegal na aktibidad ay nagpapatuloy.

 

 

Sinabi ito ni Remulla, dahil 60% ng tawag sa 911 ay ‘prank’.

 

Aniya pa rin, ang problema sa pagpaparusa sa mga nasa likod ng prank calls ay maaaring iugnay sa Sim Card Registration Act.

“Ang problema kasi, hindi pa integrated ang national ID system sa mga telco natin. So, kaya nag-proliferate ang mga POGO dahil iyong SIM Card Registration Act na ginawa natin na hindi naging masyadong effective kasi walang national ID na attached,” ang sinabi ng Kalihim sa press briefing sa Malakanyang.

 

‘So, minsan ang isang tao, isang daan ang SIM card niya na nabibili– so, that has to be integrated also,” aniya pa rin.

 

 

Oktubre 2024 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas.

 

 

Layunin ng SIM Registration Act o Republic Act 11934, mapigilan ang paggamit ng mga SIM card sa krimen, kabilang na sa text at online scams.

 

 

Tiniyak din ng Pangulo na ang anumang impormasyon na kakailanganin sa pagpaparehistro ng SIM card ay “absolutely confidential, unless access to this information has been granted by the written consent of the subscriber.”

 

 

Sa ilalim ng batas, itinatakda sa mga public telecommunication entities na magsumite sa National Telecommunications Commission (NTC) ng verified list ng kanilang authorized dealers and agents sa buong bansa.

 

 

Kailangan nilang isumite ang listahan tuwing ikatlong bahagi ng taon.

 

 

Kung hindi ipaparehistro ng gumagamit ang SIM card sa itinakdang panahon, awtomatikong papatayin ng PTE ang koneksyon nito at hindi na magagamit.

 

 

May mga nakalaang parusa sa lalabag sa confidentiality ng impormasyon ng mga magpaparehistro ng SIM card, magbibigay ng maling impormasyon, magnanakaw at magbebenta ng nakarehistrong SIM card, ipagagamit sa iba ang SIM nang hindi sumusunod sa itinatakda ng batas, at iba pa. (Daris Jose)

Other News
  • Kasabay sa pagwi-welcome kay SHARON bilang bagong ka-probinsyano: JOHN LLOYD, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso at may bagong ka-partner

    NGAYONG araw na magaganap ang dalawang pasabog na showbiz event ng Kapamilya at Kapuso network.     Una na ngang naglabas ng teaser ang FPJ’s Ang Probinsyano sa tuloy na tuloy nang pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa buwang ito pagkatapos ng ilang aberya.     Nakalagay sa teaser ‘MEGAganda pa ang gabi niyo. Abangan.’ […]

  • Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas

    INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards.     Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas […]

  • Statement of Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada on hid acquittal on direct and indirect bribery charges by the Sandiganbayan

    I AM deeply relieved of the Sandiganbayan Special Fifth Division’s decision finding merit in my motion for reconsideration and acquitting me of the direct and indirect bribery charges. This ruling reaffirms the innocence I have consistently maintained throughout the ordeal, which spanned a decade, as I sought to prove the baselessness of the accusations against […]