Dahil dumaan din sa depresyon: Fil-Canadian model na si RANDALL MERCURIO, gustong maka-inspire ng mga kabataan
- Published on May 22, 2023
- by @peoplesbalita
AMINADO ang 24-year-old Filipino-Canadian model na si Randall Mercurio nakaranas din siya ng depresyon noong panahon ng pandemya na kung saan may nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya.
Sa Homecoming Media Launch na hinanda para sa kanya nina Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines, naikuwento niya ang pinagdaanang depresyon.
Dati pa ay active na siya sa mental health group dahil advocacy niya ito. Kaya hindi niya akalain na makararanas ng depression.
“When I was there (Alberta, Canada), my lola died and we didn’t even get to see her at her last moment. Kasi pandemic po noon, kaya hindi kami pinayagang makauwi sa Olangapo.
“After po noon, doon ko na-feel na kahit meron akong mga kasama, biglang iiyak na lang. Pero noong na-realize ko na pag pinagpatuloy ko na gawin ‘yun, hindi siya magiging happy up there.”
Sabi pa ng self-taught fashion designer, “pero when I get through that depression, I found friends there and continued what I loved. “Tapos doon ako nag-decide na kaya kong maging inspiration sa iba. Kung nagawa ko, puwede kong sabihin na kaya din nila.”
Dagdag pa ni Randall nagwaging Mr. Globalmodel International Canada 2023, “Ayaw kong lumabas. Ayaw ko ng tao. Ayaw ko noong mga mayroong nagtatanong sa akin kung okay ako. Feeling ko that time, lahat ng mga tao tinatawanan ako.”
Kuwento pa ng dancer at singer din, “ngayon na lang talaga nawala. Unti-unti. It’s important na nire-recognize natin ‘yung nararamdaman natin. At ang pinaka-importante ay pahinga. Isa sa mga nakatulong sa akin to recover ay pahinga.
“Kaya dapat mas mahalin ng mga kabataan o sinuman sa atin ang sarili. Sa oras na minahal mo ang sarili mo, makakapag-reflect kung ano ba talaga ang purpose mo.
“Kapag masyado mong inisip ‘yung ibang tao, mawawalan ka ng time para sa sarili mo. It starts po talaga with yourself.”
Samantala, si Randall ang representative ng Filipino-Canadian community sa Misters of Filipinas Fil-Com Canada 2023 pageant na siya mismo ang gagawa at magdidisenyo ng kanyang national costume na ang inspirasyon niya ang mga OFW.
“Gusto ko talagang ma-inspire ang mga mas nakababata sa akin. I want them to realize na mayroong purpose,” tugon pa ni Randall na isa rin palang licensed Architecture at nagtapos last year with honors ng Architectural Design sa Lethbridge College Alberta, Canada.
“Sa national costume ko, ang inspiration is OFWs. It is my way of paying tribute to all the hardworking OFWs. Malapit sa puso ko ito. Sobrang halaga. Bata pa lang po kasi ako, ang naiintindihan ko lang, iniwan kami ni Papa, wala siya sa tabi ko to work abroad. Sobrang nakatulong siya talaga sa amin. Hindi naman namin mararating ang success kung hindi dahil sa hardwork ng father ko.
“Hanggang sa nag-work na rin ako abroad, doon ko lang na-realize kung gaano kahalaga at kalaki ‘yung ginawa niya for us na nakatulong talaga sa future namin,” dagdag pa ni Randall na finalist sa 2022 Faces West Vancouver Modelling Competition at finisher sa 2022 Chan International Edmonton talent boot camp.
Goodluck Randall!
(ROHN ROMULO)
-
NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games
Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME. Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games. Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses […]
-
Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’
FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA. At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili. Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa […]
-
Usap-usapan na baka huling fight na ni Pacquiao vs Ugas, patok sa international media
Lalong umugong sa international media ang isyu na baka huling laban na ngayong Linggo ni Manny Pacquiao (62-7-2, 39 KOs). Usap-usapan tuloy na susunod na ang kanyang pagreretiro sa halos tatlong dekada sa kanyang career lalo na kung matalo siya ng Cuban champion na si Yordenis Ugas (26-4, 12 KOs). Nagpainit […]