Dahil ginamit sa video ang kuha sa kasal nila: Ex-husband ni MOIRA na si JASON, tinawag na ‘clout chaser’ at ‘user’
- Published on May 26, 2023
- by @peoplesbalita
“CLOUT Chaser” at “User” ang ilan sa mga salitang mababasa sa mga comments patungkol kay Jason Marvin.
Ang ex-husband ni Moira dela Torre, though, technically, mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman sila annulled.
In bad taste ang kinalabasan ng music video ni Jason sa bago niyang single na “Ikaw Pa Rin.” Hindi ito nagustuhan ng karamihan. Sa halip na sympathy kung totoo man na until now, hindi pa siya nakaka-move on daw sa paghihiwalay nila and that si Moira talaga ang gusto niya, hindi ito nakatawid sa mga nakapanood.
Wala yatang nagkagusto na ginamit pa niya sa video ang kuha noong kasal nila. Isa na nga sa nag-react ng husto rito ay ang nakababatang kapatid ni Moira.
Sunod-sunod ang tweet nito at sinabihan si Jason na ni wala nga raw itong effort the whole year, paanong namimiss at naghihintay na sila pa rin. Sinabihan din sa paggamit ng video ng kasal na walang pahintulot daw ng ate niya.
Ang siste, sumagot din si Jason sa tweet na ito ng kapatid ni Moira.
Naku, ang take namin dito, ang taong sincere, hindi maingay at hindi ipinapaalam sa publiko ang totoong damdamin, ‘no.
***
IPINASILIP ni Ryza Cenon ang ipinapagawang bahay.
Sa Taytay, Rizal ang location ng bahay na pinagagawa nila. Ang kuwento ni Ryza, nabili niya ang lupa noon at ang ama ng anak naman niya ang tila in-charge sa pagpapagawa na ng magiging family house nila.
Maganda ang location ng bahay nila base sa ipinost ni Ryza dahil corner lot itong talaga sa isang subdivision at ang laki. Sa ngayon, isa pa lang naman ang baby nila, si Night Cruz and every time na natatanong ito kung kailan nila planong magpakasal, very vocal naman si Ryza sa pagsasabing hindi ito ang priority nila sa ngayon.
Mas gusto nilang mapalaki ng maayos ang anak at masiguradong ready na talaga sila kapag nagdesisyon silang magpakasal.
Sa caption ni Ryza, sinabi nito na, “Yey!!! Malapit lapit na!! Time na maghanap ng gamit sa bahay.”
Nag-comment naman sa post na ito ni Ryza ang mga kaibigan niya na masaya sa achievement nilang mag-partner. Pero may payo ang actress na si Janice de Belen kay Ryza.
Ayon dito, “Happy for you! ‘Wag magmadali sa gamit! Yun munang mga important.”
(ROSE GARCIA)
-
Posible kayang gawin niya ang movie version?: VILMA, sobrang nagandahan sa stage play na ‘Grace’
BIGLAAN kaming isinama ng kaibigan at kapwa-Vilmanian na si Jojo Lim para manood ng stage play na “Grace” na ginanap sa Power Mac Spotlight Theatre sa Ayala Malls Makati Circuit. In fairness, super ganda ang dula, hindi nakaka-antok at walang itulak-kabigin sa mga nagsipagganap tulad nina Shamaine Buencamino, Stela Cañete at marami pang iba […]
-
Nadal nakapagtala ng record sa may pinakamatagal na pananatili sa ATP ranking
Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal. Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa top 10 ng American Tennis Player sa 800 na magkakasunod na linggo. Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal. Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa […]
-
Ads December 20, 2023