Dahil ibibigay na ang noontime slot sa TVJ: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, ‘di na ire-renew ng TV5
- Published on June 20, 2023
- by @peoplesbalita
NALUNGKOT ang mga viewers ng “It’s Showtime” nang malaman nilang wala na palang balak ang TV5 na i-renew ang show sa kanilang noontime slot matapos magwagi ang bagong bihis na “Eat Bulaga” against them.
Sa interview kay Manny V. Pangilinan, TV5 owner, desidido umano ang kanilang pamunuan na ibigay na ang noontime timeslot sa TVJ kapag natapos na ang kontrata ng “It’s Showtime” sa kanila.
At bukas naman daw ang kampo nila para mabigyan sila ng ibang timeslot.
“We’re open to their schedule and we are coordinating with ABS-CBN, I believe that TV5 is committed to TVJ for the noontime slot, so it’s up to them not up to us,” paliwanag pa ni MVP.
***
BALIK acting and singing muli si Rita Daniela after five months na isinilang ang itinuturing na “greatest gift” sa kanyang buhay, si Baby Uno.
Isinilang ni Rita si Uno last December 22. Matatandaan na nag-announce si Rita noong June, 2022 sa isang episode ng “All-Out Sundays” na she’s preggy: “I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala po naman akong planong ilihim, naghanap lamang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”
Nilinaw ito ni Rita nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” Doon din niya sinabi na si Sparkle artist Mavy Legaspi ang napaglihihan niya noong buntis siya. Kaya raw nakuha nito ang dimples ni Mavy.
“Nagpaalam ako kay Kyline, sabi ko, ‘Kyline, okay lang ba na paglihihan ko si Mavy? Sagot naman ni Kyline, “Go lang! Go lang!” Ako naman super titig kay Mavy habang nagwu-work ako sa “All-Out Sundays.”
Samantala, Rita also confirmed na hiwalay na siya sa non-showbiz partner at ama ng anak niyang si Uno, matapos ang apat na taon, pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan nito hanggang ngayon.
(NORA V. CALDERON)
-
2 mataas na opisyal ng gobyerno ipapapatay ako – Rep. Teves
IBINUNYAG ng kontrobersyal na si dating 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na dalawang mataas na opisyal umano ng gobyerno ang nagpaplano ng ‘assassination plot’ laban sa kanya. Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 8 iba pa. Sa isang television interview […]
-
USAPANG “ESSENTIAL” sa PANAHON ng ECQ
Ang mga motorcycle delivery riders at ang mahalagang papel nila sa ekonomiya sa panahon ng pandemya. Marami nang nag viral na mga insidente ng pagtatalo ng mga delivery riders at mga bantay o enforcers sa mga checkpoints. Pinagtalunan pa nga kung ang lugaw ay essential o hindi. Sabi nga noong enforcer “mabubuhay ka naman ng […]
-
Panukalang ipagpaliban ang SSS contribution hike
Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa SSS Contribution ngayong 2021. Ginawang working bill ng naturang komite ang House Bill No. 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco para sa gagawing substitute bill matapos isama rito ang iba pang mga kahalintulad na […]