Dahil imposible pang magkasama sa teleserye GABBY at SANYA, balik-tambalan sa isang Christmas episode
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
WHO will be the Ultimate Winner of “Running Man Philippines?”
Finale episodes na this weekend ng “Running Man Philippines” at malalaman na kung sino ang mananalo sa mga contestants na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales and Buboy Villar.
Wala ka kasing itutulak-kabigin sa seven contestants dahil nakaya nilang gawin ang lahat ng tests, every episode na wala kang maririnig na reklamo, very professionals nila at ang mahalaga ay nagawa nila ang mga tasks na ibinibigay sa kanila, sa kabila ng mainit na araw, malakas na ulan, malamig na panahon.
Ang finale episodes ay mapapanood this Saturday, Decembeer 17, 7:15PM after “Pepito Manaloto” at sa Sunday, December 18, 7:40PM, after “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa GMA-7.
***
BACK to the Philippines na si Kapuso actor Gabby Concepcion, after ng ilang months na vacation sa US at Australia, na nagkaroon din siya ng mga shows doon.
Pagdating sa bansa, nag-taping na agad si Gabby para sa coming second part ng GMA Christmas special ng “Daig Kayo Ng Lola Ko,” na balik tambalan agad sila ng isa sa favorite leading ladies niya, si Sanya Lopez, sa episode na “All My Elf” na makakasama rin nila ang iba pang Sparklers GMA Artists na sina Jeremy Subido, Jeannie Gabriel, with Lara Quigaman and Marx Topacio.
Sa direksyon ni Rico Gutierrez, mapapanood na ito this Sunday, December 18, at 7:00PM after “24 Oras Weekend” sa GMA-7
Pero ang tanong ng mga netizens at followers nina Gabby at Sanya, ay kung kailan nila gagawin ang susunod na episode sa “First Lady?” Mayroon kasing gagawing “mega serye” si Sanya with Kylie Padilla and Gabbi Garcia sa GMA Network na magsisimula nang mag-taping this December, for early release on 2023.
***
MAGANDANG balita at tiyak na ikatutuwa ng mga netizens at sumusubaybay sa top-rating GMA Afternoon Prime na “Abot-Kamay na Pangarap” nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap at Dominic Ochoa, ay mai-extend pa raw ng another season.
Maraming nag-akalang matatapos na ang serye, pero ngayon ay mas excited silang malaman kung ano pa ang mga susunod na eksena sa pagitan nina Dr. Analyn Santos (Jillian) at ng hindi pa rin niya nakikilalang tunay na ama, si Dr. RJ Tanyag (Richard).
Gusto rin nilang makita pa ang mas magagandang eksena ni Jillian bilang isang batang-bata pero mahusay na doctora.
Don’t fail to watch “Abot-Kamay Na Pangarap” Mondays to Saturdays, 2:30PM, after “Eat Bulaga” sa GMA-7. Pwede rin itong mapanood live streaming sa inyong Facebook.
***
HAPPY and thankful si Sunshine Cruz na puno ang schedules niya this 2022, na nasabay sa break-up niya with former partner Macky Mathay.
Pero ayaw daw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang love affairs, na ayaw din naman daw niyang kalimutan dahil may mga natutunan naman siya sa kanila ang “they helped in making me a better person.
Love is not a priority for me, I just want to focus on my work. Sa ngayon, I can say na I’m very happy, I have three new movies and I’m in a new TV series sa GMA-7, so I cannot complain. My TV series, “Underage,” will start on January 16, 2023, sa GMA Afternoon Prime.”
This Christmas, Sunshine will be with her three daughters at pupunta sila sa Bohol, kasama ang brother nilang si Diego Loyzaga and their dad, Cesar Montano and his new partner.
(NORA V. CALDERON)
-
Pinas, Tsina nagpulong sa Xiamen para pag-usapan ang mga isyu ukol sa South China Sea
NAGPULONG ang mga opisyal ng Pilipinas at Tsina sa Xiamen, China, para sa 10th consultative meeting ng Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea. Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Foreign Undersecretary Ma. Theresa Lazaro na nagkaroon siya ng tapat at konstruktibong talakayan kasama si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong hinggil sa South […]
-
Ads October 7, 2020
-
Navotas, tumanggap ng mga bagong Art Scholars
MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025. Pormal na ginawa ni Mayor John Rey Tiangco ang pagpapatuloy ng programa sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na […]