• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil last year ang basehan sa nakuhang award: ANNE, nanggigil kaya pinatulan ang naging komento ng netizen

HINDI nga napigilang sagutin ng TV host-actress na si Anne Curtis ang isang netizen na nag-comment tungkol sa nakuhang hosting award sa 53rd Box Office Entertainment Awards.
Sa Facebook page ng “It’s Showtime” ipinost nila ang award ni Anne, pero may nag-comment nga na isang netizen at sinabi nitong parang weird na nagkaroon ng award ang aktres kahit madalas itong absent sa programa.
Kaya sinagot ito ni Anne at pinaliwanag na ang award ay base pa last year na palagi naman siyang present sa show.
“FYI THIS WAS BASED ON LAST YEAR! When I was in my different hair girl era. Not this year,” esplika ng aktres.
Sa kanyang X (dating Twitter) nag-rant nga si Anne tungkol dito.
“GIGIL NILA AKO E. Hayaan nyo, makakaasa kayo wala akong hosting award next year because I was absent for half of this year, acting for two different projects, one that I have yet to finish. Happy? Right,” pahayag ng aktres.
Sa ibang post ni Anne, nilinaw niya na hindi siya magpapaapekto sa ganitong klaseng isyu na binabato sa kanya.
“Sticks and stones may break my bones, but as of 10:40 am, I’ve decided to not let the words hurt me. Ok!
“See you guys on @itsShowtimeNa today! Ayoko na ma bad vibes! Iwan ko lang yan kay Mia Hernandez,” sabi pa ni Anne na tumutukoy sa karakter niya sa seryeng “It’s Okay to Not be Okay”.
Muli na ngang pumasok si Anne sa “It’s Showtime” na ipinost sa social media page ng programa.  Kaya naman tuwang-tuwa ang mga naka-miss sa kanyang pagho-host at pakikipagkulitan sa mga kasamahan sa noontime show.
 
***

‘Jurassic World: Rebirth’ at dalawang klasikong pelikulang Pilipino, aprub sa MTRCB

APRUB sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “Jurassic World: Rebirth” na rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Swak para sa pamilyang Pilipino, ang PG rating ay angkop sa mga edad 13 pababa, basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Tampok sa kwento ang isang grupo na patungo sa isang ipinagbabawal na isla para hanapin ang biomaterial mula sa tatlong pinakamalalaking nalalabing hayop mula sa lupa, himpapawid at karagatan.

Ang biomaterial ay susi sa isang makabagong gamot na maaaring makasagip ng maraming buhay.

Samantala, ang klasikong pelikulang Pilipino na “Sa Init ng Apoy” (1980) na pinagbibidahan nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, ay nabigyan ng R-13 (Restricted-13) rating, angkop para sa mga edad 13 pataas.

Tungkol ito sa karanasan ni Laura (Tolentino), na sinapian ng masamang espiritu sa mismong araw ng Biyernes Santo—ang araw na pinaniniwalaang namatay si Hesus—habang sila ay nagbabakasyon ng kanyang asawang si Emil (Fernandez).

Isa pang pelikulang nabigyan ng R-13 ay ang Korean horror-thriller na “Noise,” na batay sa totoong kwento ng katatakutan.

Ang pelikulang Pilipino na “Shake, Rattle & Roll 1” (1984), mula sa direksyon nina Emmanuel H. Borlaza, Ishmael Bernal at Peque Gallaga, ay rated R-16 (Restricted-16) dahil sa mga sensitibong tema, eksena at lenggwahe.

Ito ay para lamang sa mga edad 16 pataas.

Pinaalalahanan ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na maging responsable sa pagpili ng mga panonoorin kasama ang mga bata.

“Paalala natin sa mga magulang at nakatatanda na isaalang-alang ang tamang pagpili ng mga palabas gamit ang angkop na klasipikasyon mula sa MTRCB,” ani Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)