• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil naka-focus ngayon sa kanyang career: FAITH, willing i-sacrifice ang pagkakaroon ng boyfriend

WALA raw munang lovelife si Faith da Silva dahil naka-focus siya sa kanyang career ngayon.
Bukod kasi sa paglabas niya as Flamarra sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’, naghu-host din siya daily ng ‘TiktoClock’ at isa rin siya sa celebrity dance stars sa dance competition na ‘Stars on the Floor.’
“Nagsabi talaga ako na, guys, after Sang’gre, magbo-boyfriend na ako. Pero parang ngayon, e, may Stars on the Floor na naman. So, parang tatapusin ko din muna ba yung Stars on the Floor bago ako mag-love life?” tawa ni Faith.
Kahit na puro work at lovelife, lubos na nagpapasalamat si Faith dahil sa mga dumating na blessings sa kanyang career sa taong ito.
“It’s a challenge and I am willing to sacrifice one thing para matupad ang iba ko pang mga pangarap sa buhay. Pero siyempre, wish ko rin na magkaroon din ng lovelife sa tamang panahon.”
***
SA Canada na nakatira ang pamilya ng beauty queen-turned-actress na si Lara Quigaman at ng actor-husband niyang si Marco Alcaraz.
Tahimik ngang nag-migrate sa naturang bansa ang kanilang pamilya. Para raw sa kinabukasan ng kanilang mga anak ang ginawa nilang paglipat.
Post ni Lara sa Instagram: “Our family has always prayed that God would lead us to a place where we could be closer to one another and to Him. Leaving behind our careers and the life we knew in the Philippines was not easy, but we chose to follow a dream that had been in our hearts long before our boys were born.”
Lara was crowned Miss International 2005. Naalala siya ng mga Encantadiks (Encantadia fans) dahil siya ang orihinal na gumanap sa role na Hara Cassandra sa original Encantadia in 2005. Si Michelle Dee ang gumanap na Cassandra ngayon sa Sang’gre.
Nakuha ni Lara ang kanyang diploma in Early Childhood Education in Vancouver, Canada.
Kinasal sila ni Marco Alcaraz in a Christian wedding in 2012. They have three kids: Noah, Tobin, and Momo.
***
AFTER 37 years, mag-step down na si Anna Wintour as editor-in-chief ng American Vogue.
The 75-year old media executive told Vogue staffers that she’s looking for a new head of editorial content at American Vogue.
Mananatili naman siya as global editorial director ng naturang magazine at
chief content officer for Condé Nast kunsaan published ang Wired, Vanity Fair, GQ, AD, Condé Nast Traveler, Glamour, Bon Appetit, Tatler, World of Interiors, and Allure.
Nsgsimula si Anna as editor-in-chief of Vogue in 1988. Naging co-chair naman siya ng Met Gala in 1995.
Si Anna ang naging inspiration ni Meryl Streep sa pagganap nito as Miranda Priestly, the “editor from hell” sa 2006 film na The Devil Wears Prada.
Naging celebrity na rin si Anna dahil sa kanyang presence niya tuwing may mga malalaking Hollywood at fashion events.
Naging host and judge si Anna ng reality competition program na The Fashion Fund in 2012. Lumabas din siya as herself sa mga pelikulang Zoolander 2 (2016) at Ocean’s 8 (2018).
(RUEL J. MENDOZA)