Dahil sa kinagigiliwan na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: WILBERT, ibi-build up na rom-com actor kaya bawal nang magpa-sexy
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
NAGNINGNING ang mga bituin sa katatapos na Tindahan ni Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention, ang taunang selebrasyon ng Puregold ng maliliit mga may-ari ng negosyo sa buong bansa.
Kabilang sa maraming mga kapana-panabik na kaganapan na nakahanay ay ang opisyal na press conference para sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile,” na naganap sa unang araw.
Dumalo ang award-winning na filmmaker at producer na si Chris Cahilig, na nagbigay ng welcome remarks, habang ang direktor na si Victor Villanueva ay parehong nagbigay-aliw at inspirasyon sa manonood habang inilalahad niya ang kanyang mga karanasan sa likod ng mga eksena.
“Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay ang latest retailtainment offering na mula ng Puregold Channel on YouTube, na naghatid din sa matagumpay na “GV Boys” at “Ang Babae sa Likod ng Face mask”.
Ang mga online series na ito ay nag-allow sa Puregold na maabot ang young digital natives na naghahanap upang kumonekta sa mga klasikong kwentong Pilipino.
Ang digi-serye ay umiikot sa kwento ni Bryce (Wilbert Ross), isang young gamer na nagti-take ng first uneasy steps sa mundo ng pakikipag-date kasama sa kanyang tabi ang virtual wingman na si Angge (Yukii Takahashi)
Sa press conference, ipinarating nina Wilbert at Yukii ang kanilang sariling pag-iisip sa kuwento, at ipinakita kung paano maisasalin ang onscreen chemistry sa real-time na atraksyon habang pinakikilig nila ang mga manonood.
Ang chinito at dashing na si Wilbert ay lalo pang nagpahanga sa mga dumalo nang maghandog ito ng dalawang awitin na siya mismo ang nag-compose, ang “Sasabihin Ko Na” at “Langga”
Anyway, inamin ni Wilbert na dahil sa ‘Boy Bastos’ ng Vivamax, kaya siya napansin ng Puregold dahil tuwang-tuwa sila sa kanyang role. Pero dahil sa pagbibida niya sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”, ito na raw ang rebranding nila bilang rom-com actor.
Kaya ayon mismo sa Viva Artist Agency, mukhang na hindi na makikitang magpa-sexy pa. Dahil sa totoo lang, ang strenght ni Wilbert ay comedy, bukod pa sa kanyang pagkanta.
May bagong music video si Wilbert na siya ang nag-compose at nag-direk, ito ‘yun “Nakangiti” na kung saan kasama niya si Yass Pressman na wish din niyang maka-partner sa serye o pelikula, bukod pa kay Zeinab Harake, na pinasok na rin ang pag-aartista.
Present din sa naturang presscon ang mahuhusay at nakaaaliw na supporting cast na kinabibilangan nina Kat Galang (Genski), Migs
Almendras (Ketch), Marissa Sanchez (Bessie), Star Orjaliza (Yaya Aimee), Moi Marcampo (Chili Anne), TJ Valderrama (Cyrus), at Anjo Resurreccion (Jerry).
At bilang pasasalamat ng Puregold sa mga dumalo, may mga nagwagi ng sampung grocery packs na worth P2,500, tatlong smartphone at dalawang bonggang laptop.
Naging masaya at excting nga ang press conference for “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na kung saan mapapanood na ang Episode 5 ngayong ika-7 ng gabi sa Puregold YouTube channel.
Nagpahayag din ng kasiyahan si Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club Inc.
“We are always delighted by the chance to entertain our fellow Filipinos. “And we’ve been able to do that with the help of the hard-working cast and crew of ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile.’
“We hope everyone enjoyed the chance to see them up close and personal at this press conference.”
Gusto mo ba ng LIBRENG libangan? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa karagdagang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa
Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.
(ROHN ROMULO)
-
Ex-DOH secretaries, doctors umapela kay Pres. Duterte na ‘wag harangan ang Senate probe
Nagsama-sama ang daan daang mga doktor maging ang ilang dating mga Health secretaries upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Durterte na sana ay ‘wag harangin ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa umano’y anomalya sa paggamit ng COVID-19 response. Naglabas ng statement ang Philippine College of Physicians (PCP), na pinirmahan ng maging dating mga […]
-
Lucena City’s Pride: Reuben Nepthaly Romulo Bags ‘1st PAC F2F Aquascaping’ Championship
PROVINCIAL Champion REUBEN NEPTHALY ROMULO from Lucena City, Quezon proclaimed as the Grand Champion of the ‘1st PAC (Philippine Aquascaping Club) Face to Face Aquascaping Competition’. The awarding ceremony held at Vista Mall Sta. Rosa last September 18, 2022. His magnificent masterpiece titled ‘Erosion’ eroded and defeated 16 equally beautiful and impressive […]
-
Wala namang masama kung aminin na nila: Relasyon nina MILES at ELIJAH, naging official sa Instagram
NAGING Instagram official pala na ang relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas. Pinost ni Miles sa kanyang Instagram account ang ilang photos sa kanyang mga naging birthday celebration noong nakaraang May 1. Sa pinakahuling photo na black and white, may kayakap siyang lalake. Yun ay walang iba kundi si Elijah. Sa IG […]