• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa ‘Topakk’ movie nila ni Arjo: ENCHONG, natupad ang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival

PARANG high na high ang pakiramdam ni Enchong Dee.  

 

 

Ang dahilan, ang katuparan daw ng kanyang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival.

 

 

Kasalukuyan ngang isa sa mga invited si Enchong sa Cannes dahil sa pelikula nila ni Arjo Atayde na “Topakk.”  Parang may realization pa ito na hindi raw talaga sa loob ng bansa mananatili dapat ang isang actor.

 

 

Aniya, “Ang mundo ng isang aktor ay hindi nananatili sa loob ng bansa. Malaki ang mundo.  Malayo ang lalakbayin. Masarap matuto.  Nakaka-excite gumawa ng pelikula na maipapalabas mo sa mga banyaga.  Thank you Lord pinaka-experience mo to sakin.

 

 

“Pangarap ko lang to dati na maka-attend ng @festivaldecannes but more so doing a world premiere for Topakk in Marche Du Film. Grabe ka Lord.”

 

 

Nagpasalamat din ito kay Direk Adolf Alix Jr. dahil sinama raw siyang manood ng “New Boy” at kunsaan, kasabay nilang nanood ang Hollywood actress na si Cate Blanchet.

 

 

***

 

 

NAKAUSAP namin si Andrei Yllana na isa sa cast ng ongoing VIVA One series na “The Rain in España.”  

 

 

Masayang kausap ang anak na ito nina Councilor Aiko Melendez at Jomari Yllana.

 

 

Mukha lang siyang seryoso, pero mahirit din at masayahing tao. Mukhang nakuha niya ang katangiang ito ng parehong magulang.

 

 

In fairness, kung dati, tila may tampuhan pa sa pagitan nina Andrei at Jomari, base sa mga pahayag ni Andrei, masayang-masaya ito sa parehong magulang.

 

 

At gayundin sa respective lovelife nina Aiko at Jomari.  Sey pa niya, kung siya lang daw, gusto na niyang pakasal sina Tito Jay Khonghun at mommy niya.  At very happy rin siya with his Dad and Abby Viduya.

 

 

Sabi namin kay Andrei, mukhang nakuha ni Abby ang “kiliti” niya. Ang present girlfriend ni Andrei ngayon na non-showbiz at three months in a relationship na raw sila, ang nagreto raw nito sa kanya o nagpakilala, si Tita Abby niya.

 

 

O, ‘di ba?  Kaya si Andrei, happy raw siya talaga ngayon with his personal, family at career.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • LTO, naglabas ng mahigit 1,100 SCO mula noong 2024

    MAHIGIT 1,100 Show Cause Order (SCO) ang ini-isyu ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga lumabag na may-ari at pasaway na drayber ng mga sasakyan mula Enero ng taong ito, isang malaking hakbang patungo sa aktibong pagtugon ng ahensya sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat. Isa […]

  • 15 countries pasok na sa 2022 World Cup sa Qatar, 17 spots pa ang pinag-aagawan

    NASA 17 spots na lamang ang natitira para makompleto na ang 32 mga bansa na pwedeng lumahok sa prestihiyosong 2022 World Cup na gaganapin sa Nobyembre hanggang Disyembre sa Qatar.     Ito ay makaraang umabot na sa 15 mga national teams ang nag-qualify kabilang na ang host qatar.     Narito ang mga bansang […]

  • Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo

    Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar.   Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online.   Ibinunyag […]